Fifty- Four

1.6K 36 5
                                    

Oh my gosh! You are already here! Thank you very very much for staying and reading this third story I made! Ever in my life, I did not expect na itutuloy ko talaga ang pagsusulat but because of my readers, kahit hindi pa kayo marami, I am still thankful and grateful na atleast! May nagbabasa pa rin!

I would like to thank Hannah Mae Yzabelle Taneo! My close friend that also reads my stories! 🤧 Thank you for letting me using your second and third name, ang ganda kasi!

Again! Thank you and have a good time in reading! Wuv u mga fieras ko!😘

Chapter 54.

Love.


"Sana all masayang-masaya," bitter na sabi ni Kathlyn habang kumakain ng cupcake. Natawa ako sa narinig at sinulyapan si Felix, abala sa pakikipag-usap kay Kailean.


"Masaya ka rin naman, ah?" ngumiwi siya at umirap.


Tita Nikki and my mother decided to have a welcome back party for Kailean at engagement party na rin namin. Sabi pa nila, may isa pa raw na party pero hindi na ako nagtanong kung ano 'yon. It's obviously a surprise party na sila lang dalawa ang nakakaalam. Two days na since nakauwi ang pinakamamahal ko rito. Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan siyang swabeng nakikipag-usap sa mga kakilala niya.
 

He wanted to cut his long hair but I didn't let him, mas lalo siyang gwumapo sa paningin ko nang makita ang mahabang buhok niya, especially kapag nakalugay lang ito. 'Di naman siya napagkakamalan na bakla dahil sa makisig nitong pangangatawan. Natawa ako sa naisip at mas nilapad pa ang pagngiti.


Sa sobrang kisig... pinaglalawayan ko na. Joke lang!


I don't want to get his attention so I decided not to stare him for a long time. Tumayo ako ay nagtungo sa mga sweets na nilapag sa mahabang lamesa. Kumuha ako ng tatlong cupcakes at kinain habang pabalik sa kinauupuan ko. Bago pa ako makaupo ay sinalubong ako ni Ate Felicy.


"Hey," bati niya.


"Hey!" masiglang tugon ko. Bumeso siya sa'kin. "Kamusta ka na? How long has it been?" tanong ko. Napangiti siya at sinamahan akong umupo. Wala na si Kathlyn sa kung saan siya nakaupo kanina kaya si Ate Felicy ang umupo doon. 


"Maybe six months? Hindi na tayo ulit nagkita pagkatapos kong ikasal kaya heto ako, bumalik kasama ang asawa ko." my mouth formed an 'o'.


"Really? Where is your husband?" tanong ko habang lumilinga, may tinuro siyang lalaki na prenteng nakaupo, nakatitig kay Ate Felicy. Napanganga ako nang napagtantong ang gwapo. "Wow, your husbands seems so handsome huh?" tukso ko.


She scoffed. "Huwag mong iparinig, baka mas lalong maging mayabang." masungit na saad niya, I asmusingly looked at her.


"Bakit hindi pa ata kayo nag-anak?" natatawang tanong ko, she smirked.


"We don't love each other, Yzabelle," kahit nakangiti siya ay ramdam ko ang pait doon. "So it's very impossible for us to produce a child even though I want..." dagdag niya at huminga nang malalim. I feel bad for her.


"Try mo kayang sabihin sa kaniya, hindi mo alam? Na baka gusto rin niya." nagkibit lang siya ng balikat at lumunok.

 
"Nah, hindi ko na susubokan dahil alam ko naman na kung ano ang isasagot niya but anyways! Congratulations for you and to Dashren, masaya ako para sa inyong dalawa!" mabilis pa sa hangin niyang iniba ang usapan kaya hinayaan ko na.


"Salamat! Buti nalang at nakapunta ka at kasama pa talaga ang gwapo mong asawa, kumain ka na?" she politely nodded her head. "How about desserts? Cupcakes? You want?" I handed her the plate with the two cupcakes.


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon