Chapter 52.
Sambitin.
"I'm going him out, I will take him back home tomorrow so don't worry, he'll be fine with me. Good day," nanginginig ang mga kamay at boses kong binasa ang nakasulat sa papel na nakadikit sa railing ng gate. Nilapitan ako ni Mommy at inagaw sa akin ang papel na hawak.
Hindi...
Nagbibiro lang naman ang tadhana 'di bah? Nagbibiro lang naman--
"Diyosko po! Who sent you this? Nakita mo bah? Nakita mo, Mae?" gulat na gulat na tanong ni Mommy pero hindi ko siya masagot, nakatulala lang ako sa kawalan at prinoseso ang nangyari.
Kinuha ang aso ko pero hindi ko alam kung sino ang kumuha. Nagbabadya kaagad ang mga luha ko at tahimik itong hinayaan na tumulo. I cried and stared at nothing but the gate who's still open. Nanginginig ang labing tiningnan ko si Mommy na inalalayan na ako dahil sa panginginig ng tuhod.
"Mae! Are you okay?!" tuluyan na akong napaluhod.
Nanghihina kong hinawakan ang sariling dibdib na naninikip na, humihikbi pero nakatulala kong tinitigan si Mommy. "He's back... he is finally back, bumalik na si Kailean Mommy... umuwi na siya pero... hindi siya umuwi diretso sa'kin," 'di na ako makahinga nang maayos dahil sa paninikip ng dibdib ko. Hindi ko na alam kung tama bah itong nag-iisip ako ng ganito.
Hinawakan ni Mommy ang balikat ko at nag-aalinlangan akong tinitigan.
"Mae--"
I cut her off. "Kailean is back! Umuwi na siya Mommy!" lumuluhang sigaw ko, she gasped.
"But where is he? Nasaan siya kung ganoon? Wait, I will call your father to know the whole thing, now stand up." tinulongan niya akong tumayo at sa pagtayo ko ay biglang nandilim ang buong paningin ko.
The last thing I heard, Mommy shouted my name while I was holding the paper so tightly. He is back, he's already here pero tama si Mommy... nasaan naman siya ngayon? Bakit hindi siya umuwi kaagad sa akin? Bakit...
Many whys but I know he is the only person who will answer my questions, hihintayin ko na naman siya pero ngayon pa lang bah ako mapapagod? Is this the right time that I should get tired now he is back? No. I will wait again, I will wait until he will finally come home to me.
Patience, Vaeda. That's all you could do for now. Huwag mong pagurin ang sarili mo dahil may bata pa sa sinapupunan mo.
"Is she fine? Ayos na bah siya, Doc? Is my daughter fine now?" I felt many eyes are staring at me right now kaya hinayaan ko na muna ang sarili na pumikit at pakinggan silang lahat.
"She's fine, Vandrick. Nagiging praning ka na." si Mommy.
"What really happened, Yamiyah?" marahan akong napakilos nang marinig ang boses ni Tita Nikki. "I got worried when you called me kaya agad akong nagpunta rito so tell us, ano ang totoong nangyari?" dugtong niya. Naramdaman kong may inayos ang pagkakalagay ng kumot ko.
"Yamiyah told me that our son is back, he left this note when he get the dog." dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. My eyes were half-opened and looked at Tito Dominic who's about to get the paper in my hand.
Mabilis kong itinago ang kamay ko sa kumot dahilan para mapaatras siya. "Oh well, Yzabelle is now awake. Are you okay, dear?" tiningnan ko si Dra. Michelle na nakangiti na nasa harap ko. "What do you feel? May masakit bah sa'yo?" nakahiga pa rin ako habang tinatanong niya 'yon.
"I-I'm okay... walang masakit sa akin." saad ko at sinubokang bumangon. "Nasaan siya? Nasaan si Kailean?" lumilingang tanong ko, may hinahanap.
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...