Fifteen

1.3K 34 0
                                    

Chapter 15.

Relax.








"Do you want something from me, anak?" nakangiting tanong sa akin ni Daddy nang makapasok a opisina niya. Sabado ngayon at umaga pa, dahil palagi ko namang napapansin na nandito si Daddy kada Sabado ay Linggo. Ngayon ko siya kakausapin.








"Wala naman, Daddy... gusto lang kitang makita. Hindi kasi tayo nagpapansinan noong nagdaang araw..." natigilan siya at napakurap- kurap pa.








"Awww come here, anak. I didn't expect you will be this sweet to me." tinawanan niya pa ako kaya napasimangot ako.







Tumayo siya para lumapit sa'kin, niyakap niya ako saglit saka hinalikan sa noo. Napangiti ako dahil si Daddy naman 'tong malambing, hindi ako. Umupo kami sa sofa at tiningnan ako nang mabuti. Parang ramdam niya talagang may sasabihin ako kaya inayos ko ang mukha at upo ko. Kumalma ka, Vaeda. Kalma lang...









"How's Kailean? Ayos na bah ang pakiramdam niya?" siya ang bumasag sa katahimikan, huminga ako nang malalim bago tumango.









"Yes Daddy, bumaba na ang lagnat niya kani- kanina lang pero kailangan niya pa rin ng pahinga ngayon." sagot ko.









"Why do you sound like a doctor, anak? Maga- architect ka 'di bah?" tumawa pa siya. Ano bah kasing nakakatawa sa'kin? Dahil tuloy sa pagtawa niya, hindi ko masabi ang gusto kong sabihin! Pinapakaba niya ako!







"Yes naman, Daddy. Ganito lang talaga ako kapag nag- aalaga ako sa may- sakit na. Napansin mo naman 'yon kay Vaiden," nguso ko.








"But Kailean's mother was worried about her son so I will just call her later para hindi na siya mag- alala," tumango ako at bigla niya naman akong binigyan ng makahulugan na tingin. "Nakikita kong nagkakamabutihan na kayong dalawa ah?" mas lalo akong napanguso.







"Daddy naman eh! Hindi ko talaga siya gusto! Ayoko sa kaniya dahil ang tanda- tanda niya!" depensa ko kaagad.









"Hahaha sorry sorry, anak but ano nga ang ipinunta mo dito maliban sa namimiss mo 'ko? Hmmm?" bumuntong- hininga ako. "Oh? What's the problem? Why are you sighing so deeply?" nag- alala agad siya.








"Eh kasi Daddy..." tinitigan ko siya sa mata. "Kailangan ko bah talaga siyang pakasalan?" maingat na tanong ko.











May karapatan naman ako na umayaw sa engagement para wala nang kasalan na magaganap 'di bah? Parte ako sa kasal dahil kung ihahalintulad ko ang aking sarili sa mga movies, ako 'yong leading actress at si Kailean ang leading man. May mga pangyayari rin naman na ayaw magpakasal nung bidang babae ang bidang lalaki. Pero ang tanong...








Ano ang irarason ko?








Sa nakikita ko naman kay Kailean, hindi siya mahirap gustohin pero... ang tanda nga lang niya sa'kin. Kung sinasabi nila na sa pag- ibig, 'age doesn't matter', it does matter to me. Mas gusto ko 'yong nakakajam mo palagi na kaedad ko lang.








Hindi naman kasi ganoon si Kailean, mas pinipili niyang i- push ang pagiging mature niya at ang worst ay, napakatahimik niya at minsan ay nagiging arogante siya sa mga taong hindi niya kakilala. Pero kagustohan niya ang hindi ako pakasalan...









You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon