Twenty

1.2K 32 0
                                    

Chapter 20.

Protektahan.

"Is it really okay that we went here?" puno ng pag- aalalang tanong ni Ate Zella. "Ang daming tao, Cohen..." bulong niya sa katabi. Nakita ko at narinig ang pagbuntong- hininga ni Kuya Cohen.

Tuluyan na kaming nakapasok sa mall at tama ang sinabi ni Ate, masyadong maraming tao at ang ilan sa kanila ay napapatingin pa sa gawi naming magpinsan. Wala namang pasabing hinila ni Kailean ang palapulsuhan ko para mas lalong mapalapit sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan.

"Ano bah? Ginulat mo 'ko sa paghila mo!" reklamo ko, nginiwian niya ako kaya marahan kong hinampas ang braso niya.

"Just stick with me, huwag na huwag kang lalayo." tipid na utos niya, inirapan ko siya at akma na sanang uusog sa gilid ko pero hinila niya ako kaagad.

Wala namang nasabi si Kuya Cohen basta ang gusto niya ay malibrehan kaming lahat. Si Kuya Mon naman ang nagsabi na siya na ang magmamasid nang maayos sa mga taong mapapadaan sa amin. Sumakay kami ng escelator at dikit- dikit pa talaga.

Hinawakan bigla ni Kailean ang kamay ko pero patago 'yon! Pilit ko 'yong binabawi at dahil doon, hinigpitan niya ng paghawak!

"Bibitawan mo 'ko o sasapakin kita?" banta ko, 'di niya ako sinagot kaya napanguso ako. "Bitawan mo na kamay ko, didikit na ako sa'yo." hindi niya pa rin pinakawalan ang kamay ko hanggang sa makarating sa restaurant ni Kuya Cohen. Gaya sa labas ay ang dami ring customers, hinila naman ako ni Kailean na sumusunod na kay Ate Zella.

Nakapagbihis na ako ng maong na karsones at simpleng malaking T- shirt kanina, ang gamit ko ay nasa bag ng kapatid ko. Para akong tanga na nagpahila kay Kailean, masyado kasi akong maliit dahil sa matangkad siya.

"We're going to sit here," imporma ni Vaiden nang makapasok kami sa isang private room na may table sa gitna. May ganito pala dito? Ba't hindi ko napansin?

"Kukuha lang ako ng menus natin, I don't want to disturb my waiters and waitresses so sit down now guys." ani ni Kuya Cohen at nagmadaling lumabas. Pinaupo ako ni Kailean at agad naman siyang tumabi sa'kin.

"Masyadong delikado dito, alam mo naman 'yon Ate hindi bah?" tanong ni Kathlyn, seryusong tumango si Ate Zella.

"I know Danity but don't worry, we are here to protect Yzabelle. Just trust us," medyo natakot ako sa biglaang pagseseryuso ni Ate Zella. Base kasi sa pagsasalita niya, parang may mangyayaring masama.

"You looked tense, are you okay?" napatingin ako kay Kuya Mon na nakataas na ang isang kilay sa'kin ngayon.

"H- huh? Oo... okay lang ako," tugon ko.

"Hey Dashren, make sure your girlfriend is fine. You're not even doing something to make her feel at ease right now." utos niya sa pinsan, mukhang naiinis pa siya dahil sa pagbatok ni Kailean sa kaniya.

Tiningnan ko ang katabi ko, matalim ang pagtigtig niya kay Kuya Mon. "Tsk, she already said that she's okay, what's wrong with it?" napasinghap ako sa sinabi niya, para siyang naghahamon ng away!

"Akala ko bah, hindi ka madaling mapaniwala sa salita lamang Dash? What happened to you?" lumamig na ang boses ni Kuya Mon.

"I am still the Kailean Dashren, Kuya Villamon." sarkastikong tugon ni Kailean at tumawa rin ang kausap niya. Diyosko! Don't tell me, mag- aaway na silang magpinsan?!

"Please don't call me 'kuya', it really sucks as fvck." pagmumura ni Kuya Mon, akma pa sanang sasagot si Kailean pero naunahan siya ni Ate Zella.

"Stop it," sa dalawang salita lang ni Ate ay tumahimik na ang dalawa. "I can feel there's something--" 'di niya natapos ang pagsasalita nang pumasok na si Kuya Cohen.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon