Thirty- Six

1.2K 25 1
                                    

Eherm.

Chapter 36.

Bleed.




"H-ha? Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya, nakita ko ang pagkunot ng noo niya at napatagilid pa ang ulo.


"I am hungry and I want to eat, you? How about you? What do you want to eat?" napakagat ko ang pang- ibabang labi ko sa kahihiyan at mariin na ipinikit ang mata. Diyosko Vaeda! What were you thinking?! What the hell?! Tinatanong niya pala ako?! Ba't ang layo naman ata ng naisip ko?!


"Ahhh.... ganoon bah? Hehehe sorry, magluluto ako ng pasta eh, gusto mo tumulong?" Please huwag, huwag! Huwag ka nalang tumulong! Kaya ko naman! Please!


He stood up. "Sure, I want to help." dismayado akong napatingin sa kaniya at wala nang nagawa kundi ang hayaan ang kutong-lupa na 'to! Kainis naman!


We went to the kitchen at dahil prepared si Kuya Cohen sa pagdating ko, mayroon nang iba't- ibang kaldero at mga frying pan sa cabinets. Nakanguso kong tiningnan si Kailean na abala na sa pagbubukas ng malaking karton. Pinikit ko ulit ang mga mata ko para hindi niya mapansin na nakatitig ako sa kaniya.


Nilapag niya isang pack ng pasta, carbonora nalang ang lulutoin ko kaya ako na ang kumuha sa ham. Buti nalang at nakabili kami ng white onion, saglit pang nagkahawak ang aming mga kamay at ako naman si tanga, inaakalang may kuryente na dumaloy.


Imagination na naman, Vaeda? Lakas naman ata ng amats mo?


"You know how to cook? Amazing," tipid na puri niya habang pinagmamasdan ako sa harapan. Patago ko siyang inirapan at kahit anong tago ay napansin niya pa rin ito. "What's wrong? I'm sincere of what I just said." saad niya.



"No one asked," pambabara ko.



He chuckled. "Oh really? Anyways... ano maitutulong ko?" tamad ko siyang tiningnan at napaisip kung ano ang maitutulong niya.



"Wala naman, bantayan mo nalang mga alaga ko kung pwede. Papangalanan ko pa silang apat," nakangiti siyang tumango saka umalis na sa harapan. Para akong nabunotan ng tinik nang makitang wala na siya sa paligid.



Doon na ako nagsimulang kumilos at magluto. Pinakuloan ko sa medyo may kalakihang kaldero ang pasta at tinimplahan. Nang hindi pa ito kumukulo ay ang paghihiwa ko naman ng mg sangkap sa lulutoin.



Gusto ko rin magluto ng fried chicked kaya kinuha ko ang binili naming manok sa grocery at tinimplahan. Nagulantang ako nang marinig ang tahol nung tuta ko, kasabay 'nun ay narinig ko rin ang pagtawa ni Kailean.


Ano na kaya nangyayari sa kaniya doon? Kinakausap niya na bah tuta ko?


Wala sa sarili akong napangiti at pinagpatuloy ang ginagawa, after fifteen minutes ay tapos nang pakuloan ang pasta. Kumuha ako ng isang box ng fresh milk at hinanda na ang malaking kaha para 'yon ang paglulutoan ko ng carbonara.



Nagpainit na ako ng mantika at butter sa magkaibang kaha. "You really can cook, I'm amazed..." napatalon ako sa gulat na naman ang marinig ang boses niya.


"Ano bah, huwag ka ngang manggulat 'dyan. Natutunan ko lang magluto sa Spain kaya hindi na kataka-takang marami akong natutunan," saad ko sa kaniya. Buhat- buhat niya ang isang kitten at pilit naman itong inaabot ng tuta.


"Hmmm I can see that, hindi lang pala architecture ang natutunan mo," tinanguan ko lang ang kaniyang sinabi at niluto na ang white onion. "Your puppy is so naughty, he keeps biting the kitten reasoned why the mother cat scratch his eyes." natawa ako at tiningnan ang tuta na tumatalon na.


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon