Nine

1.5K 43 7
                                    

Chapter 09.

Cup.






Tumawa ako nang napakalakas sa abot ng makakaya ko. Alam kong peke 'yon at alam na alam kong nararamdaman rin ni Daddy ang peke kong tawa.








"Daddy naman, huwag nga kayo mabiro ng ganiyan! Hahaha! 'Di ko alam na palabiro rin pala kayo hahahaha, tigilan niyo nga!" natatawang ani ko, bumuntong- hininga si Daddy at saka lumapit sa bookshelves niya.









Halos mabuwal na ang mga mata ko nang bigla niyang binuksan ang shelves na parang sliding door! Ano 'yan?! Sinenyasan ako ni Daddy na sumunod sa kaniya at dahil sa gulat ay tulala akong sumunod.









Parang lalabas ang kaluluwa ko sa katawan nang makita kung ano ang meron sa loob ng tinatagong lugar ni Daddy! May mga iba't- ibang klase ng baril, may mahahaba! May maliliit at may nga higanteng baril! Nilingon ako ni Daddy na may seryusong pagmumukha.










"M- mga baril... mayroon kang mga baril..." hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa takot.












"Yes, I have guns but with license Vaeda." ngumiti pa siya saka nilapitan ang isang maliit na baril kung huhulaan ko ay pistola 'yon. "Soon you'll hold this guns with power too." napaatras ako.











"H- hindi... ayoko! Ayokong humawak ng baril! Anong pinagsasabi mo?!" sigaw ko. Nakita ko kung paano nataranta ang reaksyon ng ama ko.










"Vaeda, calm down-"











"No! So totoo ngang miyembro kayo ng mga kriminal?! Si Vaiden rin bah kasali sa mga ilegal niyong gawain?!" huminga siya nang malalim kaya humakbang ako paatras.







"We are not criminals, Vaeda. Wala kaming ginagawang mga illegal na bagay." seryuso na ang boses niya.













Nagsalubong ang dalawa kong kilay, matalino ako at may alam ako sa salitang sinambit niya kani- kanina lang. "Mafia is a secret criminal orgazation, Daddy! At sana alam mo 'yon! And criminals do illegal things! Kriminal ka Daddy! Hindi ako makapaniwalang ang ama ko ay isang kriminal!" sigaw ko at parang naluluha na.











"Wala kaming illegal na ginagawa, Vaeda." mariin akong napapikit.













"Bakit niyo dinedeny?! Takot bah kayong malaman ko ang katotohanan na may transaction kayo ng mga illegal na droga?! Sabihin niyo nalang kasi sa akin!" umiiyak na ako.










Disappointed na ako sa sarili ko, pati bah naman sa pamilya ko? Si Daddy pa talaga mafia lord? Haha! Gusto ko na ngang magmura! Hindi ko kayang paniwalaan ang mga nalalaman ko ngayon, ang alam ko lang ay gusto kong lumayo at tumakbo.









"Vaeda, let me explain--" pinutol ko na na naman siya.











"Hindi! Huwag ka nang mag- explain dahil simula't sapol ay nagsinungaling na kayo sa'kin!" hinarang ko ang dalawang kamay sa paglapit niya. "'Wag kang lumapit!" sigaw ko.








"We're not criminals, Vaeda. That's all I can say for now..." ramdam ko ang pagkabigo ng boses ni Daddy.











Kahit lumuluha man ang mga mata ay matapang ko siyang tinitigan sa mata. "Aalis ako dito, ayokong makasalamuha ang mga kriminal na tulad ninyo." tinalikuran ko siya. Pinunasan ko ang pisngi ko bago umalis.







You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon