Seven

1.9K 51 11
                                    

Chapter 07.

Attacked.






Sa tingin ninyo? Sino ang nanalo?











"Pumili ka naman ng maganda! Diyosko naman! Hindi naman bagay sa akin ang dress na 'yan eh!" panay ang reklamo ko habang palakad- lakad doon at dito.









"Ayos lang naman 'tong color ah? Dirty white?" inosente niya akong tiningnan kaya mas lalo akong nainis. Kanina pa kaming dalawa dito sa kwarto at kanina pa ako reklamo nang reklamo sa mga pinili niya. Pasusuotin bah naman ako ng parang kurtina?! Sino bah ang hindi magagalit doon?!







Frustrated akong napaupo sa kama at napatakip sa mukha, parang naiiyak na. Narinig ko siyang bumuntong- hininga at nakitang tumayo para pumili na naman sa malaking closet ko.








Hindi naman masyadong marami ang mga damit ko pero alam kong magaganda 'yon, isinantabi ko lang ang mga dapat isantabi. I don't know kung paano nahanap ng lalaking 'to ang mga dresses ko noon! Ano 'yon? Masyado bang malaki ang mga mata niya kaya nahanap niya kaagad?









Ang nanalo? Si manong Kailean Dashren, ngayon ko lang nalaman na sumasali siya sa swimming competition noong high school siya at nananalo pa!










"How about this one?" nilingon ko siya.









Para akong nakahinga nang maluwag nang makita ang isang light blue dress na hawak niya, simple lang 'yon pero maganda ang pagkakadesinyo. Ngingiti na sana ako nang hinarap niya ang isa na namang kurtina!







"Ano bah! Ayos na sana 'yung light blue eh!" inosente na naman siyang napatingin sa kurtinang hawak niya.









Ngumuso siya. "I thought the winner will be the one who'll decide what we should wear for later? Your brother didn't complained like what you are doing right now," nagegets niya bah sarili niya?!







"Kasi lalaki kayong dalawa at nagkakaintindihan kayo! Babae ako at hindi mo maiintindihan ang iniisip ko!" ayon! Sa wakas nasabi ko rin!









"Really? You're a girl?" nanlaki ang mga mata ko. "Hindi halata." dadambagan ko na sana siya ng suntok pero mabilis siyang nakailag at nakapunta sa gilid kaya ayon, muntik na akong madapa.









Marahas ko siyang nilingon. "Arghhh! 'Yung ligh blue dress ang susuotin ko, wala ka nang sasabihin! Akin na!" kumibot ang labi niya.








"No," nilahad niya ang yellow faded dress na masyadong maluwag sa akin kung susuotin ko na. "You will wear this one, it's nice." inirapan ko siya at tinampal ang kamay niya.








"Nananadya ka bang manong ka? 'Yung light blue ang susuotin ko, naintindihan mo--"










"Even if you like it and obviously not, I am the one who is deciding what you are going to wear. Why don't you just trust my decisions, silly? Wala kang magagawa." bakit bah siya bigla- biglang nagseseryuso?! Nakakatakot tuloy!








Tumikhim ako at walang nagawa kundi ang kunin ang dress. Hindi naman siya masyadong panget, mas maganda pa nga ang design niya kaysa sa blue pero 'di ko talaga type ang color eh! Masyadong fade at hindi bagay sa akin. Trust his decisions eh sa babae pa nga, hindi siya makapagdecide kung sino ang pipiliin niya.








You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon