Chapter 13.
Sakit.
"Nakatulog ka bah nang maayos, Yza?" 'yon kaagad ang tinanong ni Kathlyn pagkatapos kong maligo. Nakaupo pa rin siya sa sofa na tinulogan niya na hawak ang puting tela.
"Oo naman, aircon kasi." tipid na sagot ko, abala na ako sa pagtutupi ng hospital dress ko. Dinalhan kasi ako nila Essena kagabi ng damit para suotin ko pagkauwi. Matagal na nakasagot si Kathlyn kaya kailangan ko pa siyang lingunin, hawak niya na ang phone niya at magkasalubong ang dalawang kilay.
"Mga tanga talaga tsh." bulong na asik niya, nagtaka naman ako kung ano ang problema.
"Lyn? May problema bah?" tanong ko, napabaling siya sa'kin. Napairap siya sa hangin at hinarap sa akin ang phone niya, mga text messages 'yon.
Bumuntong- hininga siya. "Nagtatangkang tumakas ang dalawang gaga kagabi pero nabigo sila," sarkastiko siyang natawa. "Bakit pa bah sila nagtatangka eh ayos lang naman ang lugar nila? Hindi ko alam pero nabobohan na ako sa kanila!" umiiling pa siya.
Napaisip ako sandali. Kung pakakawalan namin sila Talaine at Faith, may posibilidad na susugorin na naman nila ako at baka mapatay na nila ako kapag nagkataon. Nalulungkot ako sa nangyari sa kanila ngunit ang ginawa ni Daddy ay para naman makakabuti sa bhhay nila... Kasalanan mo naman talaga kasi, Vaeda. Napatay si Mama Ashta dahil sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan na kinidnap ako ni Mama noong hindi ko pa naiintindihan ang mundo. Masyadong inosente ang mukha at kilos ni Mama at napakahinhin pa ng boses...
Kaya bakit siya ang sinasabi ni Daddy na kumidnap sa akin?
Marami pa akong tanong na hindi pa nasasagot ng Daddy ko, 'di pa rin kami nagpapansinan eh kaya paano ako magtatanong sa kaniya? Sa kabilang banda ay gusto kong makilala nang lubosan ang totoong ina ko. Buhay pa siya, nararamdaman ni Daddy 'yon kaya kami ni Vaiden ay may pag- asang makita siya ulit.
"Good morning..." napatalon ako sa kinatatayuan nang marinig ang paos at tamad na boses ni Kailean sa gilid ko.
Nakasuot siya ng gray polo at black slacks, mamasa- masa pa ang kaniyang buhok at medyo magulo. May dala siyang paperbag na ang nakatatak ay isang pangalan ng fastfood chain. Ang gwapo niya tingnan, ang linis niya rin tingnan.
"Buti naman at maaga ka? Akala ko bah si Dennis ang maghahatid ng agahan namin?" nagtataray na si Kathlyn. Marahan kong pinatid ang paa niya para patigilin.
"You should have to atleast thank me, Danity. Nawawalan ka na ata ng respeto sa akin," tamad pa rin ang boses niya.
"Nye nye nye! Maliligo na muna ako, sabay tayong kakain ah? Sasapakin ko talaga kayong dalawa kapag makikita ko na kayong kumakain pagkalabas ko!" banta niya, huminga nang malalim si Kailean at lumapit sa akin.
Sinulyapan niya ang kapatid niya. "Just be faster, gutom na gutom na ako..." tamad na kaming tiningnan ni Kathlyn.
"Sana wala akong makikitang.... eherm," nagkukunwari pa siyang umubo at makahulugan akong tiningnan. "Maliligo na ako, bye!" sinarado niya na ang pinto ng banyo.
Umiwas ako ng tingin nang mapansin si Kailean na titig na titig na sa akin. Ngumuso ako at akma na sanang tatalikod pero hinablot niya ang kanang braso ko. Nanlalaki ang mata kong tiningnan siya. Diyosko! Sana naman hindi niya na naman gagawin!
BINABASA MO ANG
You Are Mine (Mine Series #1)
RomancePublished: June 11, 2021 Finished: September 8, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by my amazing friend.) Mine Series # 1 Vaeda Mae Yzabelle Teodoro A 15 years old. A simple girl who loves reading books not until she found out that she's the d...