Forty- Eight

1.1K 27 2
                                    

Chapter 48.

Nahirapan.


"Akala ko bah si Kathlyn ang magbibigay sa susuotin ko sa party?" malamya ang boses kong tanong sa kaniya habang tinitingnan ang sariling sinusukat ang magandang kasuotan sa harap ng salamin.


Chichi died a year ago at nasa puder na ito ni Kailean. He put her grave in their backyard at umiyak ako roon kanina. I was so selfish not to ask Essena if how is my pets that I left here. Masyadong masakit para sa akin na kahit sa maliit lang na panahon ko siyang nakasama, napalapit na sa akin ang pusa na palaging tamad kung makatingin.


I just saw Whisker and Whiskey at hindi ko nga akalain na kilala nila pa rin ako. Napaiyak na naman ako kanina habang sinasandal nila ang sariling katawan sa paa ko.


Naramdaman ko paghapit ni Kailean sa beywang ko. "Shhhh... still sad about it?" malambing na tanong niya, I covered my mouth to stop myself from crying. Pinaharap niya ako para yakapin at niyakap ko naman siya pabalik.


"Why am I so selfish? Iniwan ko si Chichi dito tapos pagbalik ko... wala na siya, she left her 2 kittens na ngayon ay pusa na." he chuckled. "Ano bah! Wala namang nakakatawa sa mga sinasabi ko!" anas ko.


"Don't cry... shhhh, I'm sure she's happy looking at us now so shhhh," hinampas ko ang dibdib niya. "Ouch, why did you do that?" ngumuso ako.


"Bakit bah kasi namatay si Chichi? Siguro hindi mo pinapakain sa tamang oras kaya nawala siya!" paninisi ko, I saw how he bit his lower lip to stop himself from laughing.


"I am not a criminal to do that stupid thing, Vaeda." inosenteng saad niya.


"Kahit na! Sana bumisita man lang ako rito para makita ang mga alaga ko at babawiin ko sila sa'yo!" tuluyan na talaga siyang natawa at marahang hinalikan ang noo ko. "Tawa ka nang tawa eh wala namang nakakatawa! Kainis ka!"


"Why do you have to be so adorable, baby? Hmmm?" nang-init ang pisngi ko. "Just please stop crying, nagtataka na ang kakambal ko oh." napatingin kami kay Kai na nakatagilid na ang ulo.


"Abnormal ka kasi," bulong ko.


He scoffed. "What?" 'di makapaniwalang saad niya, umirap ako at dinaluhan si Kai sa sahig.


"Ang laki-laki mo na ah? May crush ka na siguro 'noh? Gusto mo na magkaanak? Ha?" usap ko na animo'y sasagot ito. Kai petted his head on my stomach at humiga ito sa hita ko. Awww how cute.


"Me, gusto ko nang magkaanak." nagtagis ang bagang ko sa sinambit ng katabi ko.


"Hindi ikaw ang kausap ko, feelingero!" anas ko. "Mag-anak ka sa ibang babae!" matalim niya akong tiningnan at inirapan.


"As if kakayanin mong makita akong may kasamang ibang babae," bulong niya na sadyang pinaparinig sa akin. Bumulong ako kay Kai para lumabas ito at ang matalino kong aso, sumunod naman. Matapang na hinarap si Kailean na nakataas na ang isang kilay.


"Bakit? Meron bah? Nasaan na siya ngayon? Nagtatago?" sarkastikong tanong ko.


"Why would she hide?" tanong niya pabalik.


"Aba! Ewan ko sa inyong dalawa! Baka abnormal rin siya kagaya mo!" masungit na tugon ko at tinitigan pa siya ng mabuti.


"Hmmm, buti naman at dinamay mo ang sarili mo." nanlaki ang mata ko at doon na siya natawa.


Sinuntok ko ang dibdib niya pero hindi naman siya nagalaw kahit kaunti. "Ikaw ang abnormal at ng babae mo! Bakit mo ako sinasali?!" pinigilan niya ako at natatawa akong niyakap. "Ano bah! May babae ka 'noh?!"


You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon