Twenty- Six

1K 29 1
                                    

Chapter 26.

Hindi.

Sabado at akala ko ay every Sunday lang ang training ko kasama si Ate Zella. Iniba ni Daddy ang training schedule naming magpinsan kasama ang mga Viornole. Kada Sabado at Linggo na ang practice ko at nasiyahan naman ako.

Mamaya pang hapon ang lakad namin ni Ate Felicy at kasama namin siya ngayon sa training area. Dahil walang partner si Kailean last practice, si Kailean ang partner ni Ate Felicy. Hindi pa pwedeng gumagalaw nang marahas si Kailean, kagagaling niya lang sa hospital kaya ang ginawa nilang dalawa ay nag- usap lang.

"Focus, Yzabelle! You're now doing it right! Just focus!" bumalik ako sa sariling wisyo nang pumalakpak si Ate Zella sa harap ko.

Sinusuntok ko kasi ang dalawang palad niya, tapos na rin kaming mag- stretching at ito ang ginagawa naming dalawa. Naghahabulan lang sila Kathlyn at Vaiden, si Kuya Cohen at Kuya Mon naman ay hindi pa rin nakakamove- on sa snake and ladder.

Para silang mga tambay sa kalsada na nag-eemote

"Hah!" anas ko kunware nang malakas kong sinuntok ang kanang palad ni Ate Zella, para maagaw ko rin ang atensyon ni Kailean. 'Di naman ako nagkamali dahil naagaw ko nga!

Natuwa si Ate Zella at natatawa akong sinenyasan na tumigil sa pagsuntok. "That's it! That's nice, Yzabelle! How about we do some kicks? Hmm wait," tinalikuran niya ako para kunin ang standing kicking bag.

"Ano pong gagawin 'dyan, Ate?" inosenteng tanong ko. Takot pa akong ipatid ang paa ko! Baka mabali! Diyosko! Huwag naman sana!

"Pwede mong kainin, Yza. Gusto mo?" narinig ata ni Kathlyn ang tanong ko kaya ganoon ang sinabi niya.

Nakanguso ko siyang tiningnan at dahil sa pagtigil niya ay nadakip siya ni Vaiden. Hahahaha! Buti nga sa kaniya! Na- frustrate kaagad siya at mabilis na tumakbo para habulin ang kapatid ko. Pinagtuonan ko ng pansin si Ate Zella na hinahampas na ang kicking bag.

"You are going to kick this, Yza para masanay ang paa mo." ngiting sabi niya. Kumurap- kurap ako at napanguso sa narinig.

"Mababali ata paa ko 'nyan Ate eh... natatakot ako," duwag na sambit ko.

Tinawanan niya ako. "That's not gonna happen! Sino ang may sabi 'nyan? Huh? Hahahhaha you are just going to kick it hanggang sa masanay kang itaas pa ang pagsipa mo." huminga ako nang malalim.

"You can do it, Ate Vaeda! Wohoo!" cheer bigla ni Vaiden na hinihingal na ngayon.

"Hoy Kathlyn! Huwag mong pagurin ang kapatid ko! May hika 'yan! Tandaan mo!" saway ko sa kalaro ni Vaiden na tinawanan lang ang sinabi ko.

"Yzabelle is right, Danity. Don't make Yashniel very tired or Tito Vandrick will scold us," tamad na dagdag ni Ate Zella.

"Oo na, nagkakasiyahan naman kami dito kaya--"

"Do what Mariella said, Danity or you want me to pluck you forehead 20 times?" banta ni Kailean sa kaniya, padabog na napanguso si Kathlyn at pabalang na umirap.

"Tsh! Snake and ladder na nga lang laruin natin! Hoy boy tapang! Hali ka rito!" lumapit naman si Vaiden sa kaniya.

Sa gulat namin ay tinumba ni Kathlyn ang mga pawn na nakatayo sa board. "What the hell, Danity! What the hell are you doing?!" pasigaw na tanong ni Kuya Mon at umupo lang sa tabi niya ang pinsan na nakangising- aso lang.

Rinig ko ang pagbuntong- hininga ni Ate Zella. "Hayyy don't mind them, Yzabelle, let's just focus in our training para makapagpahinga na tayo. Ayos bah 'yon?" tumango ulit ako sa sinabi ni Ate at sinipa nang mahina ang kicking bag.

You Are Mine (Mine Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon