Chapter 2: My reasons

185 5 0
                                    

*ding dong* *ding dong*

Dalawang beses kong pagdodoor bell habang nakatayo sa harap ng gate na walang pinagbago at mukhang hindi man lang ito lumuluma, pagkatapos akong ibaba ng taxi driver ay kaagad itong umalis

Ilang saglit pa ay binuksan ito ng isang dalagang nakasuot ng hairband na dilaw, mahaba ang kulot at medyo brown nitong buhok. Nang mapansin kung sino ang nasa harapan nya ay kaagad na sumilay ang malapad nitong ngiti sa labi at saka ako niyakap ng mahigpit

"Ate!"

Ngumiti rin ako ng bahagya rito saka hinagod ang kanyang likod. Nang bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin ay tinulungan nya akong bitbitin ang isa kong maleta papasok sa bahay

Pagdating sa lawn ay mayroong kaunting pagbabago sa mga arrangements ng mga bulaklak at halatang mas dumami ang mga ito. Mapapansing inaalagaan talaga ng mabuti ang bahay.

Pagtapat sa ngayon ay kulay puti nang pintuan na dati ay kayumanggi, bigla nagsibalikan ang mga memorya ko rito. Ito ang eksaktong pintuan na halos gibain na nila tita noon haha

"Ate bat ka tumigil?"

Napalingon ako kay Shea na nakataas ang kilay sa gilid ko, puno ng pagtataka ang expression. Umiling ako rito upang masigurong wala syang dapat na ipagalala

Pinitik ko ang noo nito at kaagad syang napaaray roon, doon naman nagbago ang mukha nyang nagtataka into a big frown

"Wala may naalala lang. Ikaw! Baka may pinapapasok ka na ritong mga lalaki mo ha! Sasampalin kita pag nabuntis ka!"

Pabiro ko ritong sabi pero puno ng pagtataray ang boses. Inirapan nya ako ng puno ng pagkairita saka ako bahagyang tinulak upang mabuksan nya ang pintuan

I chuckled seeing my precious sister being pissed off.

Pagpasok namin ay may mga nagbago nga. Nagiba na ang mga furnitures na ginagamit nila at dumami ang mga paintings, at display na mga bagay sa paligid pero malinis ito. Bungad parin pagkapasok ng bahay ang sala kung saan nadatnan naman namin ni Shea ang dalawang lalaki na seryosong naglalaro ng PSP ba iyan?

Basta yung sa tv na gumagamit ng controller tsk

"Hoy! Kanina pa kayo naglalaro dyan! Tama na!"

Sigaw ni Shea sa dalawang lalaki at saka ginabot ang saksakan upang mamatay ang tv

"Shea!!"

Halos sabay nilang sigaw na dalawa at sinamaan ng tingin si Shea

"Nakakainis naman eh!"

"Ikulong kaya kita sa stock room ng dalawang araw! Tsk! Nakakairita!"

"Kung ikaw kaya ang pagbayarin ko ng kuryente dito sa bahay! Aba wala na nga kayong ginagawa rito! Laro pa kayo ng laro! Maglinis kaya kayo ng banyo! Palaging madumi pagkatapos nyong maligo!"

Natatawa nalamang ako sa bangayan nila dahil halos ganyan din kami dati. Ito namang si Shea parang nanay kung makaasta. Kamusta na kaya si Hailee? Sya ang palaging nangaaway samin noon kapag hindi nya gusto ang ginagawa namin sa bahay hahaha

"Hoy Shawn! Ikaw kaya ang ikulong ko sa stock room ng isang taon?! Wag kang magsalita ng ganyan sa kapatid mo!"

Singhal ko rito dahilan upang tumigil silang tatlo sa pagbabangayan na kaagad ring napalingon sa akin na may namimilog na mga mata.

"Ate!"

Ngumiti ito saka patakbong lumapit sa akin upang yakapin ako. Ang akala ko ay mas matangkad parin ako sa kanya dahil may kalayuan rin ang bagong posisyon ng sofa mula sa pintuan pero paglapit nya ay halos walong pulgada na ang taas nya sa akin

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon