Chapter 12: Suspicion

80 7 0
                                    

"Bilis! Ang tagal-tagal kasing maligo eh!"

Ang singhal ni Hailee sa amin habang hila-hila ako sa gitna ng maraming tao.

"Kalma nga! Hindi pa nga nagsisimula eh!" sabat ko sa kanya.

"Anong hindi? Patapos na nga ang misa!" singhal nyang muli.

Napairap nalang ako saka nagpahila sa kanya papasok sa crowd. Magkakasunod kaming lahat habang sinisingit ang mga sarili namin sa sobrang rami ng tao sa harapan ng simbahan

Napupuno ito ng mga debotong may bitbit na Niño at nakikinig sa misa mula sa labas ng simbahan sapagkat sobrang sikip sa loob nito

Pinipilit namin makapasok sa loob ng plaza dahil doon magsisimula ang parada. Bibisita muna kami doon kila Cheska bago sila magsimulang magsad-sad

Nang makalabas sa napakaraming tao at makapasok sa loob ng plaza ay bumungad sa amin ang napakaraming grupo na may iba't ibang makukulay na costume. Karamihan sa kanila ay may mga itim na pintura sa mukha para magmistulang aeta

Tumigil muna kami saglit dahil tinatawagan ni Hailee si Cheska kung saan banda nakapwesto ang grupo nila para hindi kami makalat habang nagtatapos ang misa

"Tss..."

Nawala ang atensyon ko sa sinasabi ng Bishop sa misa nya nang marinig ang bulalas na iyon sa tabi ko. Paglingon ko kay Glizz ay napakasama ang titig nito kay Sage

Napatakip ako ng bibig upang hindi tumawa dahil napaka-disrespectful nun sa side ng nagmimisa

"Hindi madudurog yan sa tingin lang"

Because of what I just said, I think I just provoked her even more to be a sinner. Napalingon sya sa akin na may nakakatusok na mga tingin na parang kasalanan ko pa ang ginagawa ng fiancé nya ngayon. Tsk.

"Should I swear at him? Magaling ako don"

Ang sabi nya sa akin bago ibalik ulit ang tingin kay Sage na ineentertain ang dalawang babae na parang linta kung makahawak sa braso nya. Ang fiancé nya naman ay parang ginugusto ang ginagawa ng dalawang babaeng yun sa kanya habang nagtatawanan silang tatlo

They even took a picture. God!

"Wag. Nasa misa tayo. Alalahanin mong kristyano ka" natatawa kong sabi rito.

Kahit pa doon sya nakatingin sa tatlo ay nakita ko parin ang pagirap nya sabay krus ng mga braso. Is she actually being jealous right now?

Kung magseselos lang rin sya, doon naman sana sa may laban sa kanya ang mukha, wag dyaan sa parang exotic na nga ang beauty parang desperada pa magkaron ng asukal na amang pranses. Psh.

"Kahit ngayon lang, pwede bang kalimutan ko munang anak ako ng Diyos? Nakakainit ng ulo eh" inis nyang sabi

"Oh! Teka teka! Kumalma ka kasi, para namang bomba eh!" bahagya pang natataranta kong sabi.

Kaagad kong kinapitan ang mga braso nya nang akma nyang susugurin ang tatlo nang niyakap ng isa sa mga babae ang fiancé nya. Kahit pa nag-alala ako na baka mag-away sila ay hindi ko parin mapigilan ang matawa

Kung bakit rin kasi hinahayaan ni Sage na magpayakap sa ibang babae habang nandito ang nobya nya eh. Tsk. Sana ginawa nya nalang yun kung wala kami rito! Goodness!

"Pasalamat sya at illegal ang baril dito sa Pilipinas, kung hindi baka may butas na yang bungo nya"

"Hahahah!"

Hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko dahil sa mukha nyang parang bayuot na papel, hahaha!

"Dahil dyan sa iniisip mo, satan is preparing a welcome party." natatawa kong usal at sinamaan nya ako ng tingin. "Wag ka na nga kasing magpagod dyan. Wala ka bang tiwala kay Sage?"

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon