Chapter 40: Flight to Spain

42 5 0
                                    

Bumaba kaming lahat ng sasakyan pagkatapos pumarada nito sa harapan ng isang private jet. It's surprisingly expensive to look at

May dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng hagdan, naka suot ng uniporme ng piloto at isang flight attendant na pinapa gitnaan nilang dalawa, hinihintay ang pagdating namin

Nang maka baba ang lahat ay nauna nang umakyat sa jet ang nga kaibigan namin, iniiwan ang mga maleta nila sa tatlong iyon. Nahuhuli kami ni Kyle dahil hindi parin ako makapaniwalang sasakay ako sa mamahaling jet na ito

I mean, yes we have money, but you don't get to ride in a jet everyday, right? So let's just say, nabubuki rin ako hihi!

"Let's go?"

Nawala ang atensyon ko sa malaking eroplano nang maramdaman ang malumanay na brasong pumulupot sa aking bewang at ang malambot na boses sa aking tenga. Lumingon ako sa gilid para lamang makita ang nakangiting mukha ni Kyle na biglang nagpakabog sa puso ko

Sa dagliang kaba na nararamdaman ko ay nakikita ko siya ngayong parang umiilaw sa gilid ko at hindi ko maialis sa kaniya ang aking mga mata. I suddenly had heavy breathing and felt hot liquid on the bottom lids of my eyes

Huh?

Nabalik ako sa ulirat nang makitang unti-unting nawawala ang ngiti ni Kyle sa labi niya, at doon ko na rin tuluyang naramdaman ang mga nangingilid kong luha. Kahit ako ay nagulat sa sariling reaksyon ng katawan ko

"A-Are you ok? Bakit ka umiiyak?"

Puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakahawak ang isa nitong palad sa aking mukha. Nararamdaman ko ang init ng kaniyang palad sa aking pisngi

Nakakainis. The damn symptoms! At sa harapan pa man din niya.

"G-Geez! Wala! Haha! *sniff* "

Ang sabi ko na napapa yuko na lamang upang hindi niya makita kung papaano ko punasan ang luha sa 'king mga mata.

This is pathetic.. natatawa na lamang akong napailing sa sarili.

"We should go. Naghihintay na ang mga yun sa loob"

I stood up and heald my head up high to him and smiled.

Nauna na akong maglakad paakyat ng jet at nang makarating sa loob ay lumingon ako sa likod para lang makita na hindi pala siya sumunod sakin. Sumilip ako sa baba upang tignan kung nandoon pa siya.

Kinakausap niya ang tatlong magiging in charge sa flight namin patungong Spain. 3 days from now, gaganapin na ang kasal ni Micko at Yanna sa Ibiza. I don't know specifically why they chose to be married in Ibiza, Spain. But I think it's because Micko's dad grew up there or something like that?

Nauna na rin silang dalawa roon at ang pamilya nila para ayusin ang mga bagay bagay para sa kasal. Sina mommy naman ay sa araw nalang na iyon susunod sa amin

Tutal mayroon namang private jet ang mga Reyes, na ngayon ko lang rin nalaman, ay iyon na ang sasakyan namin patungo doon

Ilang saglit pa ng pakikipag usap niya sa mga piloto ay tumingala ito sa itaas at doon nagsalubong ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kaniya at ganon rin ito sa akin

Hinintay ko siya sa harap ng pintuan bago ito tuluyang maka pasok. Sabay na kaming pumasok sa loob ng jet, and it's surprisingly grand. Para akong nasa loob ng isang five star private suite

Papasok na sana ako sa loob kung saan kami dapat uupo nang mapansin kong nasa ibang direksyon dumiretso si Kyle. Nakataas ang kilay kong sinundan ang kaniyang likod na maglakad papalayo sa akin, papasok sa isang kwarto sa dulo

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon