Chapter 33: I love you...

55 5 0
                                    

We all clapped as their lips collided.

Hindi mawala ang malaking ngiti ko sa labi kahit pa parang namamanhid na ang panga ko. Everything went out very smoothly and I didn't expect it to go that way. Hindi manlang siya nagsuspetya kahit habang naglalakad na kami sa gitna ng garden aisle kanina

Ang plano kasi ay kami ni Glizz ang distraction kay Yanna, as well as responsible for making her look like a semi-bride, habang sila ang nag-aayos ng lahat. Sina Clark at Hailee ang nagsagawa ng magiging hapag kainan namin mamaya pagkatapos ng proposal.

Sina Dennis, Kyle at Nicko naman ang naatasang mag-ayos ng lahat. Tinulungan rin sila nina kuya Yurric at ate Yiza, ang kambal na nakakatandang kapatid ni Yanna, Cheska, Jhanin, at ang panganay na kapatid nila Micko at Nicko, si ate Nikki. I actually just met her today, and didn't exactly expect that there were three of them as siblings, but her name just hooked my attention

Nikkisha Miles. I kinda like it.

Sila ang gumawa at naglagay ng mga disenyo sa gazebo pati na rin sa mga ilaw sa itaas ng mga puno sa garden aisle kanina. Sila rin yata ang nag-ayos ng parang venue kung saan kami kakain mamaya, iyon ang hindi ko pa nakikita

It took us a while to set everything up. Maraming ginawang pag-aayos at pagpaplano upang hindi maghinala si Yanna na kung akala mo ay naghahanda kami para sa isang kasal

I also just learned today that Micko planned all of this for about 2 months. Meaning to say, noong nasa Boracay palang kami ay may magandang ideya na siya kung ano ang gagawin niya sa proposal na ito

For me, it's kind of grand and a lot of trouble, but seeing the both of them at that gazebo with big smiles and Yanna wearing that ring... is all worth it.

Ano kaya ang mangyayari kapag tinanggihan ni Yanna si Micko? Pero malayo namang mangyari iyon. Tulad lang ng reaksyon niya kanina na nagbreak down ito nang tanungin siya ni Micko kung gusto niya ba siyang pakasalan

She looked all messed up and smudged make-up all over her face when she stood up.

I wonder when's the wedding?

"Ganiyan sana tayo... if you didn't left me"

Nawala ang malaking ngiti ko sa labi at napatigil rin ako sa pagpalakpak nang marinig iyon mula sa aking likuran.

Lumingon ako upang makita lamang si Kyle na may malaking ngisi sa labi habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

Did I heard that right? 'Ganiyan' sana kami kung hindi ko 'siya' iniwan?... What bullshit is that?

Kaagad kong naramdaman ang pagbaliktad ng maganda kong mood dahil sa kaniyang sinabi. Tuluyan ko siyang hinarap at tinitigang maigi

He's not thinking that I already forgave him just because I'm going easy on him now, right?

"What did you say?" tanong ko rito na may diin ang pananalita. "Are you actually thinking that it was my fault?" may bahagyang pagka sarkastiko kong sabi.

Oo. Inaamin ko na may kasalanan rin ako noon dahil hindi ko siya pinag-explain, hindi ako nagpakita sa kaniya, and I didn't gave us a proper closure-- but hey! I'm not the one who cheated, am I?

I'm partially at fault, but I still blame him for what he did!

Nawala ang ngisi niya sa labi dahil sa sinabi ko at alam kong ramdam na niya ang pagkaka misunderstood ko sa sinabi niya. I know he's not all serious with what he said, but I won't let it slide. Lalo na kung ako ang nasa ipit na side

Hindi siya nakasagot sa akin at sa halip ay natulala lamang ito sa aking mga mata. Kaagad ko siyang tinalikuran at naglakad paalis sa lugar na iyon ng walang nakakapansin

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon