Chapter 7: Vacation

99 1 0
                                    

At ang extra sneakers ko naman sa pinakaitaas ng bag ko. For emergency purposes, who knows I might wreck my sneakers there, right?

"Hoy! Bang tagal tagal! Tumira ka sa ibang bansa ng ilang taon tapos Filipino time parin gamit mo!"

Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto ko. Napailing iling nalang akong sinuot ang backpack ko saka lumingon kay Glizz at Hailee na kakapasok lang ng kwarto ko

"Eto na nga diba! Bayaran mo yang door knob ko mukhang natanggalan ng screw sa loob!"

Sagot ko sa kanila na bahagyang nananaray pa.

"Basta halika na nga! Madami ka namang pera ikaw na magpalit"

Ang sabi sa akin ni Hailee at pinulupot ang kamay nya sa braso ko saka ako hinila papalabas samantala si Glizz naman ang sumarado ng pintuan

Pababa ng hagdan ay nadatnan namin ni mommy sa sala na naglalakad galing sa kung saan man

"Tita nanakawin muna namin tong anak nyo! Di naman namin sya hahayaang marape don't worry"

"Hoy! Bibig neto!"

Malaki ang ngiting sabi ni Glizz kay mommy nang mapansin kami nito kaya naman pinandilatan ko sya ng mga mata. Tsk. Sya at ang madumi nyang bunganga

Natawa si mommy sa inasal ng kaibigan ko, kung kaibigan ko nga ba talaga toh, saka kami tinaboy papalabas ng gate kung saan may isang puting van na naghihintay sa amin

"Nasa tamang edad na rin naman kayo para malaman ang tama at hindi. Just don't stop my Zenirah from flirting ok? Bring home a jowa!"

"Ma!"

Pinaalalahanan kami ni mommy bago pinalabas ng bahay na bahagya ko pang nasinghalan dahil sa sinabi nya

"Grabi kayo! Kung hindi rape ipapamigay nyo ako sa kung sino sinong lalaki?"

Pinandidilatan ko sila ng mata habang sinasabi iyon at tinawanan lang nila ako. Geez! Ganon na ba ka nakakaawa ang buhay ko at sila pa ang desperadang magkaroon ako ng lalaki? Tsk

"Kung si Kyle naman ang tatanggap sayo bakit hindi?"

Mala flash akong napalingon sa likuran nang biglang bumaba mula sa front seat si Micko. Sinamaan ko ito ng tingin na mas ikinalapad ng ngiti nya sa mukha at tumawa naman itong dalawang bruhang katabi ko, si Hailee at Glizz

Bakit ganyan sila makapagsabi? Infront of my mom?! God!

Agad akong napalingon kay mommy upang tignan ang reaksyon nya sa sinabing iyon ni Micko at nakataas ang kilay nya sa aking nakatingin habang may ngisi naman sa labi

Oh God.

"Oh tita! By the way, this is Micko, highschool friend namin at 'almost' fiancé na ni Yanna"

"Good morning ma'am"

Pakilala ni Hailee kay Micko at nakangiti naman silang dalawang nakipag kamay sa isa't isa. Sasama ba sya? Kung sasama sya edi sasama rin ang ibang lalaki? At makikita ko ulit sya....hayst

Di bali! Magkaibigan na kami ngayon kaya chill ka lang Sapphire, no pressure.

"Oooh! So you're Micko! Nababanggit ka nga sa akin ni Yassy kapag nag geget together kami. Ang gwapong bata neto, bilib ako sa mga mata ni Yanna"

"Ahahaha, salamat po"

Pigil na pigil kaming tatlo ng tawa nang bahagyang namula ang mga tenga ni Micko sa sinabi ni mommy. Ang cute nya tignan HAHAHAHA at sa totoo lang, magaling naman talaga pumili si Yanna, mhm

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon