Sapphire POV
Sa ngayon ay naglalakad na kami papalayo sa plaza dahil gabi na rin at mag 7 na. Masaya ang buong araw namin dito na halos ayaw na nga umuwi. Sumabay kami sa mga banda habang nagsasad-sad at ladlaran ang pagsasayaw sa patugtog nila
Bawat kanto naman, kapag may nadadaanan kami, ay walang tigil sa pagbibili ng mga inumin ang pamilya ni Hailee na binibigyan rin kami. Hindi basta inumin kundi mga lata-lata ng beer
Kung titignan ang paligid, kahit gabi na, ay masaya parin ang mga tao na naglilibot at sumasayaw. Marami na rin akong nakain habang sa daan dahil sobrang daming mga food stalls sa tabi-tabi
Parang hindi na nga kayang kumain ng hapunan ang tyan ko psh
"Ano sasakyan natin pauwi, Hail?"
Masama ang tingin ni Hailee na lumingon sa amin patalikod, dahil sya ang nasa harapan. Matalim ang titig nito kay Jhanin, na syang nagtanong noon sa kanya, na parang may ginawang masama sa kanya
"Anong titig yan? Para namang may ginawa sayo yung tao" mapanghusga kong tanong.
Sa akin naman sya ngayon lumingon saka nagpamewang. Napakawala nito ng isang buntong hininga na akala mo ay may pinagdadaanan sya, pfft.
"Diba ang sabi ko sa inyo kagabi, siguraduhin nyo lang na wag babaliktad ang mga sikmura nyo ngayon?"
Nakataas ang isang kilay nitong sabi sa amin kaya nagkatinginan naman kaming mga babae.
"Ano naman don?" naguguluhang tanong ni Glizz.
Napa-dapo ang palad nya sa noo.
"Hindi pa nga kayo na lalasing. Uwi ka dyan! Walang uuwi hanggat walang sumusuka!" ang sigaw nito saka hinablot ang braso ni Jhanin at tumakbo kasama sya.
Nagkatinginan kaming lahat na napupuno ng pagtataka ang mga mukha.
"Parang sya na ata ang may tama, tsk tsk."
"Parang nga"
Napapailing iling na sabi ni Glizz na kaagad rin sinang-ayunan ni Dennis. Tumango nalang ako sa sinabi ng dalawang ito dahil parang totoo nga
Nagpatuloy kami sa paglalakad saka sinundan ang dalawa na tumigil sa harap ng isang malaking gate. Napupuno ng ilaw ang loob nito at marami ring tao ang pumapasok saka lumalabas
Nang medyo makalapit kami sa kanila ay bumungad sa amin ang pangalang 'Masay Park' sa itaas.
"Anong gagawin natin dyan?" nagtatakang tanong ni Micko.
Lahat kami ay napatitig kay Hailee na ngayon ay malaki ang ngisi sa amin na ani moy may binabalak na masama.
"Ano ba kayo! Hindi nyo ba nakikita ang mga poster sa paligid" ang sabi nya na itinuro pa ang buong paligid. "May concert dito! Kaya tara tara tara! Hoo!"
Nang umiling kami sa sinabi nya ay tatalon talon nya namang inanunsyo iyon saka iginiya papasok ang dalawang tao na pinaka-malapit sa kanya. Si Yanna at Clark
I can't tell if she's drunk or in her most sane behavior.
Napangiti kami sa masigla nyang mood saka napapataas na rin ng mga kamay at nasigaw-sigaw ring pumasok. Habang papasok ay unti-unting umiingay ang paligid saka ang presensya ng maraming tao
Pagpasok ay bumungad sa amin ang napakaraming tao. Nasa kaliwang bahagi ay may isang building na nagmumukhang municipality hall at sa kanan, pinakadulo naman ay may stage kung saan nanggagaling ang iba't ibang kulay ng ilaw na makikita sa labas
Sa pagitan naman ay malaking tumpok ng mga tao, umiinom at sumasayaw sa bandang tumutug-tog sa stage ngayon
"Eyy! Eyy! Eyy! Eyy!"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
General Fiction[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...