Chapter 34: Lovelife

58 5 0
                                    

Long update! Enjoy:>

///⚠️: 🔞///
.
.
.
.
.

Umupo ako ng komportable sa upuan ng sasakyan niya at saka isinarado ang pintuan. Kasunod ko ay umupo na rin siya sa driver's seat ng kotse nito.

Habang nagsusuot siya ng seatbelt niya ay napasilip ako saglit sa aking relos. It's almost past midnight. Hindi ako sigurado sa eksaktong oras dahil medyo nanlalabo na rin ang aking mga mata at may pagka madilim dito

Simula kaninang mga alas ocho ng gabi, pagkatapos mismo ng hapunan, ay nagsimula na agad ang inuman. Okupado namin ang buong resort kaya naman napakaingay naming lahat doon kanina

Ngayon ay pauwi na kami ay nakisabay na lamang ako kay Kyle sa paguwi dahil simula kaninang pumayag akong magsimula kami ulit ay hindi na siya nalayo sa tabi ko. Para tuloy itong magnet na nakadikit sa kin at ramdam kong pati ang mga kaibigan namin ay nakakapansin na rin dahil doon

Kaya naman kanina ay malalaki ang mga ngisi nila habang pinagmamasdan kaming maglakad papalapit sa kotse ni Kyle at nang malaman nilang sasabay ako sa kaniya.

I was originally planning on letting Glizz drive me home, gaya ng kung paano kami sabay na dumating dito kanina gamit ang hiniram niyang kotse ni tita Glinzy, ngunit dahil nga sa parang nakadikit na sa akin si Kyle ay sakanya na lamang ako sumabay. Saka mukhang nalasing ang gaga sa sobrang kakainom kaya si Dennis na lamang ang nagmaneho ng kotse niya. Kasabay nila sina Hailee at Cheska dahil doon sa condo ni Hailee na muna nanatili si Glizz habang nandito siya sa Pilipinas. Iniwan na niya siguro ang hotel na pinagtutuluyan nila ni Sage noon.

I think she'll go back to London sooner or later, but for now, we'll just cope with her dramatically broken love life.

Nagsimula nang magmaneho si Kyle papaalis sa parking lot ng resort na iyon at papasok sa highway...

Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng kotse at hindi naman ako nakakaramdam ng pagkailang. Dahil baka sa nainom ko na rin.

Diretso ang kaniyang tingin sa daan habang nagmamaneho ito at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya ng masinsinan.

I can't believe I let this guy into my life again...

Ngayong napagiisipan ko na ng mabuti ang nagawa ko kanina ay parang bigla ko iyong pinagsisihan. Napaka irrational ng madaliang desisyon kong iyon at hindi ko manlang naisip na baka masaktan ulit ako

Geez. Feeling ko tuloy mas lasing pa ako kanina habang kausap ko siya kaysa ngayong literal na may alkohol ako sa sistema. Well... hindi ko na rin naman pupwedeng bawiin na iyong sinabi ko

Let's just see how all of this will turn out..

"You can say something if you want to. Hindi mo naman kailangang mamangha ng paulit-ulit sa mukha ko"

Kaagad akong nabalik sa ulirat nang bigla itong magsalita na may natatawang ngiti sa labi. Tinaasan ko siya ng kilay na puno ng panghuhusga ang mga tingin

Napaka hangin talaga ng mokong na ito.

"Shut up! You're not even that pretty" napapairap kong sabi rito saka humarap sa harapan.

Even though he is. That's just my pride talking.

Nabalot ulit kami ng katahimikan nang hindi siya sumagot sa sinabi ko. He didn't took that seriously, did he?

Parang ramdam ko tuloy ang ihip ng pagka-ilang ngayon. Napasilip ako sa kaniya ng kaunti at kita kong seryoso ito sa pagmamaneho. Oh God. Did I pissed him now?

Medyo walang dumadaan na sasakyan na ngayon lalo na dahil siguro ay magmamadaling araw na maya't maya, kaya naman ay katahimikan lang talaga ang naririnig ko

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon