Chapter 17: What is wrong?

54 6 1
                                    

Simula bata?...Imposible.

We were just kids, we're not that capable of liking someone?

Kung saan unti-unti ko nang sinusubukang tanggapin na wala na talaga, saka nya naman sa akin sasabihin ang mga salitang yun?

Bakit Kyle? Why do you have to complicate things?

*FLASHBACK*

Nagmamadali 'kong binuksan ang pintuan ng taxi, pagkatapos magbayad sa driver, dahil late nanaman ako. Marami pa kasi akong tinapos para sa group research namin, due tomorrow

Inayos ko muna ng kaunti ang suot kong skirt dahil nalukot ito sa matagal kong pagkakaupo sa taxi seat. Kita mula rito sa labas ang dalawang malaking tao na nagbabantay sa labas ng bar nila Dennis

Magkakaroon kami ng get-together ngayong gabi dahil kakatapos lang ng mid terms noong isang araw. Pagkapasok sa loob ay ang maingay na patugtog ng DJ at nakakabulag na mga ilaw ang agad na bumungad sa akin, sabayan pa ng maraming tao sa paligid

Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil ni isa sa kanila ay walang nakaisip na salubungin ako doon samay pintuan hanggang sa makita ko ang ulo ni Kyle sa hindi kalayuang table. Malaki ang ngiti ko nang makita sya kaya naman nagsimula na akong humakbang papalapit doon

Hawak-hawak ang bag ko ay nakangiti ako ng tenga hanggang tenga nang bigla kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko. Nang makaalis ang lalaking humaharang sa paningin ko papunta sa kanya ay doon ko sila nakita

Napalunok ako sa pinagmamasdan ko at tila hindi makagalaw, na kung akala mo ay tumigil ang lahat saka ang hininga ko lang ang naririnig ko.

Nandoon sya, nakaupo sa isang  high stool sa harap ng bar counter, nakaharap sa dance floor, habang hawak-hawak ang ulo ng isang babaeng halos lumuhod na sa pagitan ng mga paa nya

Gusto ko silang sugurin na dalawa, pero ang katotohanang kilala ko ang babae at nasisiyahan silang dalawa sa posisyong iyan, ay wala na rin akong magawa

Si Kim, nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang bewang ni Kyle pero ang isa ay unti-unting dumadaus-dos paibaba sa kanyang hita at parang hinihimas pa nito ito, at si Kyle na parang hindi naman makapag-pigil habang hawak-hawak ang uluhan nya

"Sapphire?"

Hindi ko na kaya ang kaba at bahagyang galit na nararamdaman ko kaya naman kaagad na akong tumalikod, pero sa hindi inaasahan ay eksaktong bumungad sa harapan ko ang si Hailee na napupuno pagtataka at naguguluhan ang ekspresyon

Makita lang ang mukha nya ay hindi na napigilan ng mga mata ko ang pamumuo ng likidong ano mang oras ay tutulo na.

"Saps!"

Patakbo akong lumabas ng bar at hindi na inintindi ang pagtawag nya sa akin. To my great luck, kaagad ring may taxi na tumigil sa harapan ko nang pumara ako, rason para hindi na ako maabutan ni Kyle pa

"Sapphire! Sandali!"

Eksaktong lumabas sya sa bar ay nakasakay na ako ng taxi. Bumakas sa mukha nya ang pag-aalala nang makita akong parang nalukot na papel sa pag-iyak.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon