Kyle's POV (2)

52 4 0
                                    

Dalandan? Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit ganon siya nitong mga nakaraang araw

Mag-dadalawang linggo na rin simula noong umuwi kami mula sa Espanya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umakto ng ganon si Sapphire.

Sa hapon na'yon ay umiinom kami nina Dennis sa pangatlong bar na napuntahan namin. Para sa bachelor's party. Busy ang mga ito sa pag entertain ng babae. Nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Yanna

Umiiyak si Sapphire at desperadong naghahanap ng dalandan.

Nagtataka man sa sinabi niya ay nagmadali akong naghanap ng dalandan. Bihira lang ang mga iyon doon pero swerte ko nalang at may nakasalubong akong bagong import ng dalandan

Sa gabi ring iyon ay lumabas siya ng bar. Hindi normal ang pag-akto niyang paglanghap ng simoy ng hangin. Napansin ko rin na hindi siya amoy alak. Hindi ito uminom

That is very unlike her--

"Bro!"

Lumingon ako sa gilid para madatnan si Dennis na kararating lang. Hawak niya ang balikat ko at sa isang kamay nito ay brown envelope

Iyon na siguro ang hard copy ng disenyo para sa bago naming proyekto.

Hinablot ko iyon mula sa kamay niya at binuksan. Sinuri ang laman at inintindi ang estraktura nito...

"Anong problema mo? Wala ka nanaman sa sarili" saad niya.

"Wala. Don't bother me.." tugon ko naman rito na hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.

He patted my back before deciding to finally leave. Pero bago pa man ito tuluyang makaalis ay natigil ako sa pagbabasa dahil sa sinabi niya.

"Oh by the way, I heard some news about Sapphire.."

Lumingon ako rito. Isang malaking ngisi agad ang bumungad sa akin.

"Anong balita?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin na may mapang-asar na ngiti.

"Pagdating talaga kay Sapphire ititigil mo lahat ng gagawin mo. Ang rupok mo pare! Hahaha!" tatawa-tawa niyang sabi.

Hindi ko na lang pinansin ito at bumalik sa binabasa ko.

"Anyway, narinig ko si Yanna noong nakaraan. She was talking about Sapphire. Hindi masyadong klaro ang pagkakarinig ko pero may nabanggit itong ospital at positive"

Nagsalubong ang mga kilay kong tumingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin na nagpositive? Sa ospital? May sakit ba siya?

"Is she sick?" seryoso kong tanong.

Nagkibit balikat lang siya mukhang hindi rin alam kung ano ang nangyayari. Sa anong test naman magpopisitive si Sapphire? As far as I can observe, she's totally acting fine. Unless...

Tumayo ako ng upuan at hinablot ang cellphone ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nag atubiling umalis. Dala lang ang cellphone at susi ng sasakyan ay nagtataka akong pinagmamasdan ni Dennis na maglakad papalabas ng opisina ko

"Oy! Saan ka pupunta?!"

Hindi ko na pinansin pa ang tawag niya at nagderederetso lang. Gusto kong puntahan ang ospital na nagpa check-up siya at tanungin mismo sa doktor kung anong kalagayan nito. Kung tama nga ang iniisip ko base sa mga napapansing sintomas at ang nangyari sa Ibiza... baka nga ay--

Tumigil ako sa pagmamadaling paglalakad nang maramdaman ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ni Dane

Bakit siya tatawag sa ganitong oras?

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon