Chapter 38: F*cking Crazy..

46 5 1
                                    

Glizz POV

Pinihit ko ang knob gamit ang dalawa ko lamang na daliri dahil sa dami ng hinahawakan ko. Mabuti na lang at nakaya ko namang buksan ang pinto

"Thank God!"

Halos itapon ko na sa lamesang napupuno ng natastas na tela ang mga pinamili ko. Dumiretso agad ako sa malambot kong upuan at doon humilata na parang isang kuting

Nakaka pagod! Parang binugbog ang buong katawan ko kakalakad at bilhin ang mga telang kaylangan sa mga damit ng brides maids at grooms men! Nako, kung hindi lang talaga ako binabayaran para rito, tsk.

"Where should I put these?"

Oh shoot. I almost forgot about him.

"D'yan lang sa lamesa, salamat" ang sabi ko kay Dennis na hindi gumagalaw mula sa posisyon ko.

Sinamahan niya ako sa pamimili ng halos apat na oras ng walang pahinga sa hindi klarong dahilan. Bigla lamang ito sumulpot rito eksaktong paalis ako, and offered me help

How unnusual.

Ibinaba nga niya ang mga pinamili namin katabi sa kung saan ko ibinaba ang mga dala ko... huh.. naalala ko lang, mas marami pala ang bitbit niya at mas mabigat kaysa sa akin. I wonder if he's drained like me?

Lumingon ako sa kaniya at naabutan ko itong nagtutungga ng champagne sa dalawang champagne glasses. Hindi ko man alam kung saan nanggaling ang champagne at baso pero mas nagtataka ako kung bakit hindi pa ito umaalis..

May kailangan talaga siguro ang mokong na ito sa'kin. Hmm...

"Hey..." ang tawag ko sa kaniya at napalingon naman ito sa akin. "What do you need?" mapanghinala 'kong tanong.

Napa ngisi na lamang ito sa sinabi ko habang naglalakad siya papalapit sa'kin, inaabot ang isang baso. Nakataas ang isang kilay at tinitigang maigi ko na lang iyong tinanggap

"Wala naman. Bawal ba tumulong sayo?" sarkastiko niyang sagot.

Sumandal siya sa lamesa at sumipsip sa baso niya. Hindi parin mawala ang mapanghinala kong titig rito habang sumisipsip na rin sa ibinigay niya.

Pero kahit anong paninitig ko ay ganon parin ang ekspresyon nito na kung akala mo ay hindi kinakabahan sa mga tinginan ko. Tsk.

Eventually, I gave up. Sumandal ako sa backrest ng upuan ko at tumingala sa kaniya upang makipag titigan sa mga mata nito

Kahit na hindi naghihinala ang paningin ko ay naghihinala parin ang loob ko sa intensyon ng lalaking 'to.

"So, bakit ka nga pala pumunta dito kanina?" ang kaswal kong tanong.

There, I caught him slightly off guard. He flinched a little and it gave me suspicious feeling.

Iniwas niya ang tingin nito sa akin at itinuon iyon sa harapan niya, ang pader.

"I just visited." he answered.

"Pfft.."

Bahagya kong pinigilan ang tawa ko dahil sa sagot niya. Narinig niya ang hagikhik na iyon kaya siya napalingong muli sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay, halatang nagtataka sa reaksyon ko

Ngumiti ako rito at tinignan siya ng diretso sa mata.

"Sorry sorry haha. It's just that.." nakangiti ko pang sabi ngunit kaagad kong binago ang ekspresyon ng mukha ko. I frowned at him. "You never do anything without a cause. Spill the tea b*tch. Bakit ka nandito?" nanghihinala kong tanong.

Nakita ko kung paano siya natawa sa sinabi ko kahit pa halos maging si Sherlock Holmes na ako kakaisip ng posibleng dahilan ng pagpunta niya rito. Kung bumisita siya para guluhin nanaman ako ay dibale nalang, mas kakayanin ko pa mawala sa sarili ng mag-isa kaysa sa kasama siya, tsk

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon