Chapter 22: Sea Holly

51 9 0
                                    

"Hahahaha! I said I'm sorry! Hindi ko naman alam na may habit syang ganon!" I said, laughing.

"Right? Sino naman ang mag-aakala, haha!" he responded.

Napailing-iling na lamang akong uminom sa soda ko habang pinag-uusapan namin ang kaibigan nyang si Gio, at ang nangyari kanina sa eskinita.

Who would thought that he'd have a habit of peeing on the streets? Gosh!

Sudden awkward silence began to occur between us but that, I don't feel much of. Maganda naman ang paligid sabayan pa ng magandang araw ngayon kaya hindi ko rin alam kung awkward ba ang sitwasyong ito

Nandito kami sa parke ngayon at napagpasyahan lang na tumambay muna tutal mamaya-maya pa naman ang simula ng shift ni Third, samantala ako ay hindi nakatanggap ng tawag kay Sky pagkatapos syang layasan sa opisina nya kanina

If I were to guess, iniisip pa non kung ano ang gagawin nya para magkaayos sila ni Vixie, and I support it wholeheartedly.

Huminga ako ng malalim nang biglang umihip ang sariwang hangin, na naging dahilan upang sumayaw ang mga dahon sa punong katabi namin at mahulog pa ang iba rito. Medyo malayo ang parke sa highway kaya naman medyo kaunti ang dumaraan na sasakyan dito

Tahimik kaming dalawa na pinagmamasdan ang paligid nang kaagad akong nagulantang sa pagsasalita nito.

"Pwede ba kitang ligawan?..."

Lumingon ako sa kanya na may namimilog na mga mata. Nagkatinginan kaming pareho at nanatiling ganon ng ilang segundo. Pag-kurap lang ang nagawa ko sa titigan naming dalawa habang sya ay kumorte ng isang ngiti sa labi dahil sa hindi nagbabago kong ekspresyon

I'm not sure if I heard that right?

Bahagya akong napatawa sa sinabi nya, gumagalaw-galaw pa ang mga balikat ko. Sarkastiko akong nakangiti sa gilid nya kaya naman agad na nawala ang ngiti nya sa labi, at napalitan ito ng isang nagtatakang titig sa akin

"Pfft--sorry I just--... tinamaan rin ba ni Kyle ang ulo mo nung sinapak ka nya? Sana alam mo ang sinasabi mo" natatawa kong sabi.

Mula sa pagtataka ay kaagad naman nagbago ang ekspresyon nya dahil sa sinabi ko. Nagmumukha itong bata ngayon na nag-mamakaawa ang mga mata sa akin kaya naman mas natawa ako

"Masakit kaya yung ginawa nya!" he said, pouting.

"In behalf of that jerk, I'm really sorry about what happened" sabi ko.

At dahil lang doon sa sinabi ko ay kaagad na umaliwalas ang mukha nya, at muling sumilay ang isang ngiti sa labi nya. Nangunot ang noo ko sa biglang pagbabago nito

"You can make up for it" nakangiti nyang sabi habang tumataas-baba pa ang mga kilay.

I don't like the way he's staring at me right now...para bang iyong may binabalak na ka-gaguhan.

"And that would be?..." medyo nag-aalinlangan ang tono ng boses ko.

"Hayaan mo akong ligawan ka" sagot nya.

Kaagad na naging pang intrimitida ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatingin sa kanya ng may panghuhusga. Mga limang segundo ko ito tinitigan ng ganon bago tumawa ng mahina sa gilid nya at tumingin sa harapan namin

Yeah, as if he's serious about what he said.

"We only just met a few times and now you're saying that? Alam mo ba kung gaano kahirap ang commitment?" sarkastiko kong sabi.

Tumango-tango ito sa sinabi ko na mukhang sumasang-ayon naman, and he look so innocent in that state.

"Yeah, but...ligaw palang naman. I'm not asking you to marry me or something" natatawa nyang sabi.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon