Maaga kaming lahat na nagising upang planuhin ang mga kaganapan ngayong araw. Alas sais palang ng umaga ay mulat na kaming lahat at nag kakape
Mahimbing rin naman ang tulog ko kagabi dahil mainit ang kama, lalo na at linta kung makayakap sa'kin ang katabi ko na kung akala mo ay mawawala ako sa kaniya, tsk.
Umaga palang ay nagka hiwalay na kami. Umalis silang mga lalaki para ihanda ang bachelor's party nila para kay Micko samantala kami namang mga babae ay nandito parin sa hotel at kumakain ng umagahan habang sabog ang mga mukha
Kami rin naman ang magpaplano ng bachelorette party ni Yanna kaya small sacrifice narin para sa itatali naming kaibigan
God! Hindi ko alam kailangan pala ng maiging pagpaplano rito para hindi siya maghinala. Lalo na rin at may ideya siyang gagawa kami ng party na'to para sa kaniya
Sa kasalukuyan ay natutulog pa sila ni Micko sa kwarto nila kaya naman ito ang pinaka magandang oras upang planuhin namin ang mangyayari ngayong araw.
Dapat buong araw silang hindi magkita, magsalubong, o mahagilap manlang ang isa't isa, 'cause that's the purpose of this thing. Dapat ipaalala namin sa kaniya ang buhay single bago ito magpatali
Ang nakakainis lang...
"Bakit kasi hindi natin 'to plinano agad kahapon?! Sira nanaman yung routine ko!" ang naiiritang sabi ni Glizz.
I'm gonna agree with her this time. Pero kasalanan niya rin naman kung bakit nasira iyang routine niya
"Kung di ka ba naman nawala kagabi at nakipag inuman sa kung saang bar, edi sana napagplanuhan natin to kahapon" ang pangongontra naman sa kaniya ni Hailee.
Natatawa nalang akong tumango tango.
"Oo nga. Dami mo sigurong nabingwit na porenjer kagabi ano?" tataas-taas baba ang kilay kong pang-aasar sa kaniya.
Inirapan niya ako na halos umabot na ng langit ang mata niya. Nagpatuloy ito sa pagkain at pag-aayos ng mukha niya, multitasking
May hangover rin siguro ang sira ulong ito ngayon.
"Nagsalita ang hindi nawala. Asan ka ba kagabi? 'Di ba magkasama rin kayo ni Kyle? Pareho lang kayong magkaibigan!" ang banat naman sa'kin ni Hailee.
Dagli ko siyang nilingon saka tinignan na may mapang husgang mga mata.
"Nag spa kami saka naglakad lakad sa city! Minsan ka lang sa Ibiza di mo pa sulitin!" pag-aaway ko sa kaniya. "Saka bakit ba ang init-init ng ulo mo ha? Porket nagiging matandang dalaga ka na?" pang-aasar ko pa.
Sinamaan niya naman ako ng tingin saka itinutok sa akin ng bread knife na hawak niya. Tinutukan ko rin siya ng tinidor para ipaalam na hindi ako takot!
Para tuloy kaming mga banta na nagkakapikunan, tss.
"Tama na nga yan! Para kayong mga kinder" ang singit sa amin ni Cheska.
Sabay nalang naming ibinaba ang hawak na utensil at nagpatuloy sa pag kain.
"Imbes na mag-away away kayo, pagusapan nalang natin kung paano siya ilalayo sa spot" ani Jhanin.
Natahimik kaming lahat at walang nag tangkang sumagot sa sinabi niya, hanggang sa nauna na si Glizz.
"Ganito nalang, hati-hatiin nalang natin ang oras natin sa kaniya para hindi siya maghinalang nawawala tayo"ang suhestyon niya.
Lahat kami ay napalingon rito at nag-isip. Pwede rin naman yun para hindi siya magtaka kung bakit paiba-iba ang kasama niya
Kaylangan lang namin ay lugar kung saan iseset up ang decorations saka tyempohan ang pagpapalit ng mga kasama ni Yanna
That's a nice idea so far.

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Fiksi Umum[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...