Chapter 27: The Truth

57 6 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin nina Farrah at Blaze kaninang umaga ay kaagad na rin akong umuwi ng bahay upang makapag-ayos. Habang nakatulala sa aking kwarto ay hindi ko na mapigilan ang sarili sa sobrang pag-iisip.

At dahil nga sa pagiging usisera ko ay kaagad rin akong umalis ng bahay. I asked Blaze for his brother's hospital address and immediately went there

Ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng entrance nito. It seems like a proper institute and quite big as well. How did that asshole end up in here? Reminiscing about how he dressed himself as Khyronn and I just freakin' fall for it?

What a dumbass.

Pumasok ako sa loob at kaagad na dumiretso sa parang reception nila kung saan mayroong dalawang nurse na naka-duty doon. Tumingala sa akin ang isa na may ngiti sa labi

"Hi, I would like to visit a particular person" I said in a polite way.

Tumango siya sa akin bago tumayo sa kinauupuan nito.

"Sino po ang sadiya n'yo?" ang tanong nito habang may tinitignan sa mga hawak niyang mga papel.

"Blake Meñez? He was admitted here for about more than 10 years ago?" I responded.

Naghanap siya sa mga hawak na papel hanggang sa may nakita ito. Tumango sya doon saka may inabot na isang libro na kulay asul. Ibinigay niya sa akin ang log book saka may ipinapirma doon ang pangalan ko bilang visitor

"Medyo matagal na rin simula ang huling bumisita sa kanya" ang sabi nito habang nakangiti.

Pagkatapos kong magsulat ay tinitigan ko siya sa mukha.

"His brother?" I asked.

Umiling ito sa akin bago binawi ang hawak kong ballpen at log book. Ipinatong niya iyon sa lamesa niya bago tumitig sa akin.

"No. Babae po siya. Maputla ang balat at naka wheel chair." sagot nito.

She's quite energetic. Tumango nalang ako rito bago niya ako gabayan sa daan patungo sa kanya. Pale skin...in a wheel chair? Even if that was Farrah, she's tan skinned?

Napailing na lamang ako habang naglalakad at hindi na binigyang ganon ka importansiya ang naisip. Baka may iba pa silang kamag-anak na nakakaalam sa sitwasyon ni Blake?

Sinundan ko siya papalabas ng ospital at patungo sa bakuran nito kung saan mayroong medyo malaking hardin. Maraming pasyente ang naglalakad kasama ang ibang nurse.

Tumigil kami sa paglalakad sa gilid ng isang maliit na puno at saka siya lumingon sa akin.

"Ayon po siya."

Tinuro niya ang isang lalaking nakasuot ng asul na hospital gown. Nakaupo ito sa isang bench habang nakatingala sa langit.

"Thank you." I thanked her with a serious face.

Tumango ito sa akin na may ngiti parin sa labi saka na naglakad paalis, pabalik sa loob. Binalik ko ang titig ko sa lalaking iyon na kalmadong nakatingin sa itaas. Naglakad ako papalapit sa kanya at tumigil sa harapan nito

Hindi manlang siya gumalaw at nanatili sa posisyong iyon. I can't tell if he noticed me or if he's ignoring me on purpose.

He actually grew a lot. Just by staring I know he got taller, got firmer and even had a mature face. Marami rin siyang tattoo at at piercing.

"Nice to see an old friend."

Just when I was about to open my mouth and ask him about something, he actually noticed me and started staring at me on the face with a grinning smile.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon