Chapter 15: Blurry situations

81 7 2
                                    

Yanna POV

Sa huling araw ng festival ay wala kaming ibang ginawa kundi ang sumayaw sa tugtog ng banda, uminom at sumuka, kahit pa may mga hang-over pa kami mula sa sobrang pag-iinom sa Masay Park noong isang gabi

Pasalamat na ngalang kami at hindi kami nasangkot sa anumang away habang lasing dahil marami talaga ang nagkaka-alitang mga lasing sa kalsada

Hindi na rin kami nakalibot pa sa Aklan dahil bigla akong nagkaroon ng importanteng appointment sa kompanya, tsk.

Ang sabi ko ay wag akong istorbohin sa gitna ng bakasyon ko eh! Nakakainis!

Pero hindi lang naman ako ang may biglaang schedule, si Micko biglaan rin nagkaroon ng problema sa kompanya nila at si Sage ay nakakuha ng gig sa photography habang nandito sya sa Pilipinas

Bago kami umuwi ng manila ay kahit makabisita manlang dito sa Boracay ng dalawang araw ay natuloy naman. Kaya ngayon ay nandito ako sa front beach, dinadama ang sikat ng araw sa katawan ko

Sa unang araw namin dito ay napag pasyahan naming magkaroon ng hiwalay na landas saka magkita na lamang mamayang gabi sa hapunan.

"Hon, bakit hindi ka magsaplot ng konti pa? You're showing off too much skin."

Napakawala ako ng isang buntong hininga saka iminulat ang aking mga mata. Kahit pa nakasuot ako ng salamin ay nakakasilaw parin ang sinag ng araw na tumatama sa akin.

Nakasuot ako ngayon ng dilaw na two-piece bikini habang nakahiga sa towel kong nakalagay sa white sand ng Boracay, front beach. Maputi kasi ang balat ko kaya naman litaw na litaw ang dilaw kong suot

Lumingon ako sa bandang kanan ko kung nasaan nakatayo si Micko at inaabot sa akin ang isang cocktail na nakalagay sa presentableng wine glass na may lemon pa sa gilid nito. Bahagya akong tumayo, tinutukod ang dalawa kong siko upang malaman nyang gising ako

Tinaasan ko sya ng kilay saka tinitigan mula ulo hanggang paa. Wagas naman kung makapang husga, eh sya nga dyan ang kanina pa pinag papantasyahan, tss.

Bahagya kong itinabingi ang ulo ko, lumalagpas ang tingin sa likuran nya kung saan may malapit na mga taong nagsa-sun bathing rin gaya ko. Ang dalawang babae na nakabra lang at parehong nakashorts ay grabe kung makangiti habang pasilip-silip pa sa kanya

Nakasuot sya ng sky blue na beach polong manipis, unbuttoned from top to bottom, khaki shorts na limang pulgada ang taas mula sa tuhod, saka havaianas slippers.

"Why don't you rethink your get-look instead of me?"

Umupo ako saka hinablot sa kamay nya ang cocktail na inaalok. Sumip-sip ako sa straw nito habang pinapanood ang nagtataka nyang mukha sa sinabi ko

"What do you mean? 'Di hamak na mas presentable naman ako kaysa sa suot mo"

Ibinaba ko ang ulo ko upang makita sya ng walang lense mula sa salamin ko. Nagtataka parin ang mukha nya kaya naman napapairap nalang akong kinuha ang salamin ko sa mata at inilagay sa ulo ko.

"Really? While flirting looks are tossed at you as sweat drips from your perfectly toned collar bones to your well-build abdominal muscles?" umaabot langit ang kilay ko.

Sarkastiko ang pagkakasabi ko non habang napapasilip pa sa mga babae sa likuran nya kaya naman siguro napatawa nalang itong lumingon patalikod.

Ang babaeng nasa ulo rin ang salamin, ay kaagad na hinampas ang balikat ng kasama nya nang mapansing napatingin roon si Micko. Tumingin rin sa banda namin ang babaeng kasama nya habang nagtataka ang mukha, at nang mapansin ring nakatitig si Micko ay sabay silang napatili

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon