Chapter 49: Counterattack

71 6 0
                                    

Glizz POV

"How on earth are we going to do that? Ni hindi nga natin alam kung nasaan tayo ngayon"

I hysterically asked as a brow raised up high. Naka krus rin ang mga braso ko habang nakaupo sa maduming sahig

"Well..."

Nakikita ko rin ang hindi kasiguraduhan sa mukha ni Sapphire habang binabanggit ang salitang iyon. She looked very troubled as Kyle stood next to her, inaakbayan ang balikat nito dahil mas malamig sa selda nila kumpara sa pinaroroonan ko. Wala kasing bintana ang akin

She is proposing that we stealthily escape from this hell hole and go back to manila. Then, we can figure out what we're dealing with here, kasama ang Climaxx

Who could've figure out that Kyle is actually a so-called president? Or leader? Whatever, of a secret society of assassins. That is hella freaky

Maybe some children really do take after their mothers, unintentionally.

Pero sakali nga na makatakas kami rito, hindi naman namin alam kung nasaan kami. Base rin sa kanina ko pang naririnig, malapit kami sa dagat. Hindi ganon kalakas ang agos ng tubig pero naririnig ko ito mula sa dulo ng pader

We might be in an inhabited island or something.

Getting out of here is going to be tricky. Sa tantya ko ay marami rin ang magbabantay. Sa pagkaka rinig ko ay ang lolo ni Sapphire ang may-ari ng lahat ng ito at ginagamit niya sina Leui at Tiffany para sa isang bagay na hindi ko alam

Sa pagkaka kilala ko kay Uncle Aeziel, he was always a simple guy. Hindi kami masyadong close dahil si Sapphire talaga ang paborito nito at siya ang apo, hindi kami. Pero sa mga naririnig ko kay Lola Sim minsan, ay isa lang naman siyang simpleng lalaki na mahilig sa halaman

Sino nga naman ang mag-aakala. That one day he'll fancy such technology.

Bago sina Sapphire at Kyle maipasok sa kwartong iyon ay sa akin niya muna sinubukan ang makenarya niya. It felt weird, at parang ang utak ko ay natusta pero hindi naman iyon ganon kasakit sa ulo. Parang severe migraine lang

"We could try and escape this cell. Tapos puntahan natin ang control room para patayin ang CCTV camera's. There should be a map at every building for fire exits, hindi ba?" suggestion niya.

Nagkatinginan kami ni Kyle bago parehong napalingon kay Sapphire. Puno ng pag-aalala ang mukha niya sa suhestyong naisip, hindi rin sigurado sa sinabi nito. I can also see panic in her eyes

Napepressure rin ito sa sitwasyon namin. Napahinga na lamang ako ng malalim. Bawal sa kaniya ang mastress dahil sa kondisyon niya at eto siya ngayon nagpapaka stress. God!

"Even when we manage to get out of here, we can't avoid commotion. Sigurado naman akong maraming nagbabantay sa'tin lalo na't sabi ng babaeng yun ay hindi tayo makakawala dito" sambit ko.

Mas bumakas sa mukha ni Sapphire ang hindi alam ang gagawin. Wala na sa katinuan ang pag-iisip nito dahil sa taranta. Umiling-iling ako sa kawalan habang pinagmamasdan siyang pakalmahin ni Kyle dahil bawal nga itong mastress masyado, talagang makakasama sa inaanak ko

I'm probably gonna be his or her beautiful tita. So I definitely can't let her be stressed out. Mamaya malaglagan pa ng bata yan dito, tsk tsk

"Kung dumaan kaya tayo sa air vent para hindi tayo makita habang papunta sa control room?" suhestyon ko.

Lumingon sila pareho sa akin. Tumaas ang isang kilay ni Sapphire at napayuko na lamang. Anong meron sa reaksyong iyon? May nasabi ba akong mali?

"You watch too many movies Glizz" paunang sabi niya. "Any of us can't fit in an air vent. Even if one of us did, vents can't support a human's body weight. Malalag-lag lang tayo. Plus, we don't have a map when we use that way"

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon