Chapter 26: Mentally disabled

55 5 0
                                    

Ang mainit na sinag ng araw kasabay ang may kalamigang ihip ng hangin, ang kaagad na bumungad sa akin paglabas ko ng building. Tumigil ako saglit sa harapan nito upang damahin ang naghahalong init at lamig na tumatama sa balat ko.

"My life is a dump!" usal ko sa sarili habang nakatingala sa itaas.

Tinititigan ang haring araw, suot ang sun glasses ko.

I can't even fly abroad now, dahil sa sitwasyon naming hindi pa maintindihan.

Napayuko ako at nagpatuloy sa paglalakad habang iniisip ulit ang nangyari sa araw na iyon. It's been weeks. They haven't gave us another sign after that incident and it makes me nervous.

Lumabas ako sa property ng condominium at naglakad sa gilid ng kalsada. Good to know from Hailee that there's a nearby coffee shop. I badly want my Americano right now. Wala man akong hang-over ay pakiramdam ko parang pinagsasakluman ako ng langit at lupa. Lalo na at paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kagabi

Not that I'm complaining because that was my dumb decision...but the fact that it's so embarrassing to say 'ok' infront of him? Is so...ugh! Mukha akong desperada sa parteng iyon huhu!

Napapasapo sa aking noo ang aking palad bago inabot ang handle ng pintuan papasok ng coffee shop, nang may isang kamay na umabot rin rito. Tumingala ako sa kanya nang magpatong ang kamay naming nakahawak sa handle

Nakatingin rin sya sa akin habang hawak-hawak ang tiyan nitong may kalakihan. A pregnant woman with slightly curled hair and glasses. Medyo binalot kaming dalawa ng katahimikan dahil agad na nangunot ang noo ko sa pagmumukha nya

She looks awfully familiar?

"M-Miss, are you ok?" medyo nawiwirduhan nyang tanong.

Napailing nalang ako dahil sa pagkakatulala sa kanyang mukha. Magsasalita na sana ako nang may bigla namang isang lalaki na sumulpot mula sa likuran nya

"Love! Sorry it took me a while to find a spot to park the car." sabi nya.

We both looked at the guy as she withdraw her hand from above mine. Napatingin na rin sa akin ang lalaki na may ngiti sa labi.

"Sino sya?" tanong nya sa babae.

Nagkibit balikat ito bago tumingin ulit sa akin. I took a glimpse of their hands and I saw couple rings. Nagkatinginan kaming tatlo at parang hindi nila ako nakikilala. Sa huli ay mabilisang ngumiti nalang sa akin ang lalaki at pinagbuksan ang asawa nyang buntis

"Blaze..."

Natigilan silang dalawa sa sinabi ko at muling napatingin sa akin. Pinangunutan ako ng noo ng babae bago tumingala sa asawa nyang katabi lamang nito, may nagtataka ring tingin sa akin.

"Sorry? Sino ka?" tanong nya.

I chuckled. Lumingon ako sa babae na may nanghihinala nang tingin sa akin ngayon. She's not thinking that I'm a potential mistress, is she?

"Farrah..." usal kong muli sa isang mahinahong tono ng aking boses.

Nagkatinginan silang mag-asawa na may puno ng pagkalito ang mukha bago timingin ulit sa akin. I can tell, they really can't recognize me.

I let out a sigh before removing my sun glasses and crossed my arms. Stared at them with a smile plastered on my face, but they remain having questionable looks. I chuckled once more.

Is faith playing with us right now? What are the odds of meeting them again?

"You don't recognize your old Empress?" sarkastiko kong tanong.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon