Extra #3

70 4 2
                                    

Maririnig ang kumpulan ng tao at ang huni ng ambulansya sa pasukan ng ospital. Mayroong dalawang nurse ang kaagad na umalalay kay Sapphire nang sumulpot ito sa pintuan. Inaalalayan ni Kyle habang umaagos ang tubig nitong pumutok sa pagitan ng kaniyang mga binti at hita.

Inihiga siya sa hospital bed at nagmamadaling itinakbo sa delivery room, sapagkat manganganak na ito. Si Kyle ay nakaalalay lamang sa gilid niya. Umaagos ang luha nito sa mukha dahil sa kabang nararamdaman habang nakikita ang kasintahang halos duguin na

Hinahawakan ni Kyle ang kamay ni Sapphire upang hindi ito kabahan. Pero imbes na mastress sa labor ang ina ay natatawa nalang ito habang pinagmamasdan ang asawang umiiyak sa gilid niya na kung akala mo ay siya ang magluluwal ng sanggol

"You need to calm down, okay? You're gonna be fine. Okay?"

Hinahaplos ni Kyle ang buhok ni Sapphire habang patuloy itong tinatakbo sa delivery room. Kahit na hirap siya sa paghabol ng hininga nito ay natatawa nalang itong napatango.

"How about you? Bakit hindi ka kumalma? Magiging maayos rin ang lahat" ang saad ni Sapphire at hinaplos ang kamay ni Kyle.

Bumaba ang tingin niya kay Sapphire. Imbes na tumango at subukan pakalmahin ang sarili. Mas lalo lang nagsitulo ang mga luha niya sa isiping magiging ama na ito sa araw na iyon.

"Hahaha! Calm down Kyle!" nanghihina ngunit natatawang usal ni Sapphire.

Sa wakas ay nakarating na rin sila sa delivery room. Pumayag ang mga nurse na sumama si Kyle bilang pangpakalma kay Sapphire habang nanganganak ito. Pinagbihis siya ng tamang suotin bago pinapasok sa loob

Tumabi si Kyle kay Sapphire. Hindi pa rin niya mapigilan ang maiyak. Hawak nito ang kamay ng nobya at pilit siyang pinapakalma kahit siya mismo ay natataranta sa sitwasyong ito

Ilang saglit pa ay dumating na rin ang doktor na magpapaanak kay Sapphire. Nakasuot ito ng parehong damit sa kanila at face mask. Nagsuot rin siya ng guwantes bago humarap sa mga pasyente

Agad na bumilog ang mga mata ni Kyle pagkakita mismo sa doktor.

"No! Hindi pwede!" malakas niyang usal.

Nagtaka ang lahat sa inasal nitong pagtutol.

"What do you mean no? Manganganak na ako!" nagtatakang tanong si Sapphire.

Hindi siya pinansin ni Kyle. Masama lang ang tingin nito sa lalaking doktor.

"Nurse! Wala bang ibang doktor d'iyan? Yung babae sana? Hindi ako papayag na mahawakan ng ibang lalaki ang **** ng girlfriend ko!" inis na singhal ni Kyle.

Binalot ng gulat ang mukha ng lahat ng tao roon sa delivery room. Ngunit natawa na lamang ang doktor sa inasal niya.

"I'm sorry sir. As of now, ako lang ang nag-iisang obstetrician na on duty ngayon. Kung gusto niyo, ang susunod na doktor na lang ang magpapaanak sa girlfriend niyo" nakangiting suhestyon ng mabait na doktor.

Hinubad niya rin ang kaniyang facemask para makausap ang pasyente ng maayos. Mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay ni Kyle nang makitang magandang lalaki pa ang doktor na magpapa anak kay Sapphire.

Tumango si Kyle sa suhestyon ng doktor at bumalik sa gilid ni Sapphire.

"Mabuti pa nga! Anong oras ba ang duty niya?" seryoso pa nitong tanong.

Ngumiti sa kanila ang doktor at tinago sa likuran niya ang mga kamay nito.

"In 16 hours po sir" inosente niyang sagot.

Natigilan si Kyle sa sinabi ng doktor. Natawa naman ang mga kasama nilang nurse sa loob ng kwarto. Samantala si Sapphire naman ay halos durugin na ang kama dahil sa pagpipigil nito ng sakit sa kaniyang puson

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon