Chapter 14: Bati o Balikan?

71 5 0
                                    

Third POV

"Oo! Sunod ako!"

May ngiti sa labi akong kumaway sa mga kaibigan ko habang naglalakad sila papunta sa kabilang direksyon ng nilalakaran ko. Bit-bit ang gitara ko ay maganda ang pakiramdam kong naglalakad sa gilid ng maraming tao

Magaalas dose na rin maya-maya at kakatapos lang ng gig namin. Papalit-palit kasi kami ng dalawang banda bawat oras bago matapos ang concert

Habang naglalakad ay napabalik ako ng isang hakbang nang may makitang isang babae sa nakaupo sa sahig at may tinatawagan sa cellphone nya. Bumubingis-ngis ito habang may tinatawagan na kaagad nya ring pinapatay

Napangiti nalang ako sa inaakto nya. Lumapit ako rito saka lumuhod sa kanyang harapan kaya napatingala ito sa akin. Nagtataka ang mukha nya nung una pero kalaunan ay ngumiti rin ng malaki, pinipikit ang mga mata nya

"What are you doing here?" ang tanong ko rito.

Inilagay nya ang hintuturo sa harapan ng labi nya, sinesenyasan na tumahimik ako bago inilagay sa tenga ulit ang cellphone nya

"Hello?"

"Hihi"

Nang may sumagot mula sa kabilang linya ng tinatawagan nya ay mahina lang itong tumawa saka iyon pinatay agad. Nakita ko sa telepono nito ang pangalang 'Kyle' na pinatayan nya ng tawag

Ilang saglit, napatingin sya sa cellphone nya nang magring ito. Ang pangalang Hailee ang bumungad kaya agad nyang sinagot iyon

"Sapphire! Asan ka--?"

"Ahihihi!"

Kaagad nyang pinatayan ng telepono ang babaeng nasa kabilang linya at bumungis-ngis ulit.

Napatawa ako ng mahina sa mga ginagawa nya dahil para syang bata ngayon.

"Sapphire, are you ok? Asan ang mga kaibigan mo?" nakangiti kong tanong.

Tumingala sya sa akin saka ngumuso, iniisip kung asan nga ba ang mga kaibigan nya. She's so adorable right now. This is not what you see everyday

Lucky me.

"Tara na. Hanapin natin sila"

Tinulungan ko syang makatayo at nagpakul-kol naman ito sa akin. Inilagay ko ang kamay nya sa balikat ko habang ang kamay ko naman ay nakaalalay sa likod hanggang sa bewang nya.

Habang naglalakad kami ay napapapikit-pikit ito ng kanyang mga mata dahil sa kalasingan. Iginiya ko nalang muna sya palabas ng Masay dahil medyo nagkakagulo na dito sa loob at maraming lasing

Pagkalabas naming dalawa ay unti-unti nya nang itinataas ang ulo nya dahil mas tahimik dito kumpara sa loob. Nang tuluyang mai-angat ang ulo nya ay kaagad syang tumakbo papalayo sa akin at patungo sa grupo ng tao

Ang mga babae doon ay ang nilapitan namin noon sa mall at ang isa sa mga lalaki ay ang kasama nya kanina habang nag-uusap kami bago ang gig namin

"Mga kaibigan kooo!"

Halos masubsob na sya sa pamamaraan ng pagtakbo nya papalapit sa mga kaibigan nya habang nakaawang ang mga braso nito. Sila naman ay gulat na makita sya kaya para ring matutumbang sinalubong ang yakap nya

Nakangiti nalang rin akong lumapit rito dahil mukhang lasing ang mga babae nilang kasama maliban sa isa.

"Sapphire! Yehey! Nahanap na natin sya!" masayang sabi ng babaeng kasing taas ni Sapphire at nakasuot ng dilaw na headband.

Nagyakap silang tatlo nung babaeng mukhang masungit na sa tingin ko ay ang engaged na dahil sa sing-sing na ipinakita nya kay Gio noong magkita kami sa mall

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon