Sapphire POV
Tuesday, 8:03 A.M.
"Eto na nga, kumakalma na. Hindi naman ako takot na malate, sadyang baka tambakan ako ng gawain ni Sky, tss."
I'm hurrying myself in right now, to my family's company, while talking on the phone with Yanna. Malalaki ang hakbang akong pumasok sa loob ng elevator saka pinindot ang floor kung saan ang office ni Sky.
"Baka hindi ka na makahinga nyan. Basta sa weekend ha! Wag ka mawawala! Baba na ako may meeting pa ako!" bilin nya.
"Oo na nga!" pasinghal kong sagot rito.
Natatawa akong ibinaba ang cellphone ko saka lumabas na agad sa elevator nang bumukas ito sa floor ko. Masigla kong nilakad ang hall, papasok sa mga seksyon ng mga empleyado
Yeah. Hindi ako lumipad papuntang Australia, at the end of the day. Hindi ko sila pupwedeng iwanan, lalo na ngayon at may ganitong nangyayari sa amin. While at it, I decided to go back to work as a very slavely assistant of my brother, tss
Habang naglalakad sa gilid ng mga seksyon ng empliyado ay hindi ko maiwasang mapahinto nang may marinig na usapang matagal ko na ring hindi nasisingitan
Lumingon ako sa isang slot kung nasaan ang isang babaeng naka-asul na dress, na busy sa pagtitipa sa kanyang laptop, ang mataray na kinakausap ng dalawang babae
Ang isang nakasuot ng pencil-cut skirt at red polong babae, na halos ilabas na ang cleavage nya, kasama ang isa ring babaeng nakasuot naman ng bulaklaking mini dress, na kung akala mo ay hanggang hita ang haba ng palda nya, ay tinatambakan ng trabaho ang babaeng naka-asul
Napairap na lamang ako dahil sa nasasaksihang ito sapagkat pagkatapos ng ilang taon ay hindi parin sila nagsasawa dyaan sa pinag-gagawa nila
Ugh! I can see they are still good-for-nothing b*tches.
Umirap ako sa hangin saka naglakad papalapit doon sa slot. Sumandal ako sa border ng ate ko at saka mataray na tinitigan ang dalawang babae, habang nakakrus ang mga braso ko
"Well, some things never actually change" I said in a snobbish tone.
The three of them looked at me with shocked, but then changed immediately. Bumakas sa mukha ni Vixie ang tuwa nang makita ang presensya ko, samantala ang mukha naman nina Sasha at Grace ay tumaray
Malaki ang ngisi sa labi ni Sasha na tumitig sa mukha kong nakataas ang isang kilay at may ngiti sa labi.
"Look what the cat dragged in. Lucky Sapphire Zenirah is back here again. How does it feel to have a job just because of your family's wealth?" puno ng pagiging sarkastiko ang tono ng kanyang boses.
Mas lumapad ang ngiti ko sa labi dahil sa kanyang sinabi. Umakto ako ng parang nag-isip pa habang nakaawang ang ibabang labi.
"Hmmm....let me see....masaya sya, actually." I answered innocently. "But of course you don't know what I mean because you have to be born in scraps? Tama?"
Yes, I'm feeling the b*itch vibe right now. Tumawa sya sa akin saka tumalikod at naglakad paalis, ganon din si Grace patungo sa slot nya hindi rin kalayuan mula dito sa slot ni Vixie
Nang makaalis na sila ay nakataas ang kilay kong lumingon kay Vixie nang tumayo ito at nakangiting lumapit sa akin, binibigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Nang kumalas sya ay nakapoker face parin ako ritong nakatingin
"And what was that all about? Hinahayaan mo nanaman silang ganyanin ka? Geez! I'm not here everyday to stand up for you!" I said in a frustrated tone.
Mahinhin syang tumawa sa harapan ko kaya naman hindi ko nalang rin naiwasang mapangiti nandahil sa kanya. If she's not special for Sky, I would have turned into a lesbian by now and marry her, tss
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Fiksi Umum[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...