Chapter 39: Sila

39 5 0
                                    

Sapphire POV

Bumaba kaming dalawa ng sasakyan at nag simulang mag lakad patungo sa entrance ng mall. Naka kapit ang braso ko sa kaniya habang tatawa tawa kaming pumapasok sa loob

Ang lamig ng hangin dito kumpara sa labas.

"So, una bili muna tayo ng makakain bago pumasok. Then we'll settle to our seats, that good?" ang kaniyang tanong.

"Yes mommy!" ang malapad na ngiti kong tugon kay Hailee.

Sinamaan niya naman ako ng tingin, but she let it go naman.

Wala akong trabaho ngayon at nagkataon namang si Hailee lang ang naaya kong tumambay at manood ng movie. Since wala rin siyang ginagawa ay pumayag ito.

At first, I was planning on watching at home but the tv is on cable. Naisipan ko rin na manood nalang kila Hailee, pero naalalang nandoon pala nag tatrabaho si Glizz. Ngayong ilang linggo nalang at kasal na ni Yanna ay naghahanda na siya para tapusin ang mga damit at makatulong sa ibang preparations sa abot ng makakaya niya

So we finally decided to watch a movie outside.

Pagkatapos naming bumili ng makakain, and I mean makakain to the point that we almost brought a whole fucking menu inside, ay pumwesto na kami sa upuan namin eksakto rin na nagsimula ang pelikula

Akala ko ay sobra ang binili naming pagkain ngunit bago ko pa man mapansin ay naubos na namin ang mga binili namin. Nakalimutan ko palang napaka takaw ng kasama ko sa pagkain

Pagkatapos naming manood ng pelikula ay naglakad lakad kami sa loob ng mall hanggang sa nadaanan namin ang arcade

"Shet. Hindi ko maalala kung kelan ang huling punta ko sa arcade"

Natigil kaming dalawa sa paglalakad at napalingon doon sa kumpulan ng mga bata sa palaruan

"Same here" ang sagot ko kay Hailee.

"Alam mo ba.."

Lumingon ako sa kaniya nang putol itong magsalita. At naabutan ko naman itong nakangiti habang nakatitig doon banda sa arcade

Napa taas na lamang ang kilay ko sa kaniyang ekspresyon. Para itong may naaalala habang nakatitig doon at nakakapang hinala talaga ang kaniyang ngiti

"Malamang hindi. Ano ba yang iniisip mo at kung maka ngiti ka parang ewan" pilosopo kong tugon sa kaniya.

Kaagad na sumama ang ekspresyon ng mukha niya. Tumingin siya sa akin na may masasamang tingin at inirapan ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad at doon siya nagsimulang mag kwento

"Naalala mo ba nung oras na nilagnat yata si Kyle dahil sa pinag gagawa natin sa kaniya?" ang tanong nito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Saan doon ang tinutukoy niya?

"Kelan? Hindi ko maalala" napapaisip kong tanong.

"Yun bang ginawa natin siyang yaya sa bahay? Hahaha!" tatawa-tawa niyang sabi na kaagad nagpalaki sa aking mga mata.

"Ahh!" naka nganga habang bumibilog ang mga mata kong turo sa kaniya. "Yun ba yung napilitan pa akong ihatid siya sa bahay nila?" ang panigurado kong tanong.

Bumunungis ngis siyang tumatango tango at napatawa nalang rin ako nang maalala ang pangyayaring iyon.

Sa mga panahong yun ay napaka bata pa namin at puno ng kalokohan. Hindi ko inaasahang mabubugbog ng todo ang katawan niya dahil sa mga pinapagawa namin kaya nilagnat siya

Kawawa naman siya. Para tuloy naging instant alipin naming apat ang pinaka gwapo raw na hearthtrob sa paaralan noon, haha! Back then, we were so young and didn't thought about anything but ourselves

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon