Nilagyan nya ng tamang dami ng mainit na glue ang likod ng foam saka idinikit iyon sa loob ng headdress, para raw hindi masakit sa ulo kapag sinuot iyon sa parada.
Quite good of an idea.
"Eh gano naman kabigat yan pag sinuot na?"
Nagtataka kong tanong kay Cheska habang tinatapos nya ang pagaayos sa loob ng headdress. Ngumiti sya sa akin saka bahagyang nag-isip muna. Napakrus naman ako ng mga braso ko habang hinihintay syang sumagot
May 42cm ang taas ng headdress na ginagawa nila pero kapag isinali ang mga ting-ting ng walis tambo, na mas nagpataas tignan sa costume nila, ay aabot sa 55cm ang taas nito. Kaya naman nagmumukhang higante ang kanilang mga isusuot sa ulo
Samantala, ang lapad naman nito nasa 30 hanggang 36cm. Sobrang daming detalye ang nakalagay sa bawat headdress na kung titignan ay masakit sa mata pero kapag sa malayuan ay pwede iyong ipangbato sa mga kompetisyon, sa totoo lang
I can't even wait to see them wear those costumes tomorrow. It will be spectacular.
"Mmm...maybe around 5-6 kilos? Mga nasa ganong bigat"
Napanganga ako sa sinabi ni Cheska. 5-6kilos? Sobrang bigat non sa ulo. And come to think they'll wear it through out the parade, long walking.
Iniisip ko palang ay ako na agad ang napapagod. Tumango tango nalang ako sa kanya habang naglalagay sya ng extra wires sa gilid ng headdress gamit ang pliers, para raw hindi matanggal agad kung sakali umulan bukas habang nasa parada
Pinagmasdan ko lang sya na ginagawa ang trabaho nya nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao na tumabi sa akin. Mas matangkad ito sa akin at kung makikita sa gilid ng mata ko ay isa itong lalaki
Hindi ko sya kinibo at ganon rin ito sa akin nang bigla syang tumagilid at inilapit ang ulo nito sa aking tenga
"Kaylan mo balak gawin ang plano mong pagpapanggap?"
Kaagad na nangunot ang noo ko sa binulong nyang iyon saka sya pataray na tinignan. Nakataas pareho ang kilay nito sa akin habang may ngiti pa sa labi nya
Parang kanina lang wala syang balak sumang-ayon sa akin, pero ngayon, bakit parang sya pa ang excited sa planong ito? Pinaningkitan ko sya ng mga mata dahil sa hinalang nararamdaman ko
What is he planning to do?...
Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at ibinalik kay Cheska ang mga iyon nang paglingon ko sa kanya ay nakatitig sya sa aming dalawa, may natatawang ngiti sa labi
"Bakit?" tanong ko rito na mas nagpalaki sa ngisi nya.
"Wala naman"
Ang sagot nya sa akin bago pinagpatuloy ang ginagawa nya. Hindi ko alam na may ganyang paguugali ang pinsan ni Hailee, dahil kung mapapansin sa suot nyang naka plain white oversized shirt at grey mens shorts na hanggang tuhod nya ang haba, ay mapagkakamalan ko syang lalaki kung hindi lang ito maganda
Isa pa, ang akala kong pagka boy-ish nyang ugali ay magbibigay sa kanya ng anti-romantic feeling, but looks like I'm wrong. Judging by her look is what quite got me in this position right now
"Kalimutan mo nalang yun. I changed my mind. Wala na akong pakealam kung may binabalak man sila"
Ang sagot ko nalang kay Kyle bago lumingon sa kanya. Tumango lang rin ito sa akin at hindi na nakipag-diskusyon pa
"Ok ok! Sino sasama? Gagala kami ngayon"
Napalingon kaming tatlo sa likuran nang marinig ang boses ni Hailee. Naglalakad sya papalapit sa amin at sa likod nya naman silang lahat
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Ficção Geral[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...