///⚠️: 🔞///
.
.
.Mabibigat ang mga paa at pagod ang katawan ako kaagad na tumalon, padapa sa aking malambot na kama. Dinadama ang lamig nito.
"Thank God it's the weekend!" kaagad ko na sigaw.
Biyernes na ngayon at sa wakas ay tapos na ang isang linggong gyera ko sa opisina. Good thing Sky doesn't make me work during saturdays too.
Nakapikit ang mata, dinaramdam ang maganda kong nararamdaman, ay kaagad akong napamulat. Tinitigan ko ang cellphone kong nagriring at nagvavibrate mula sa loob ng bag ko
Kumawala ang isang buntong hininga sa akin saka umirap sa hangin. Fetching my cellphone from the inside of my bag, I automatically raised my brow seeing Yanna's name on the screen, calling
Nagtataka ko itong sinagot bago inilagay sa tenga.
"Hello?" I boredly answered.
"Hey! When you gonna come?!"
Kaagad kong nailayo sa tenga ang aking cellphone saka kunot ang noong napatitig doon, sa lakas ng boses nya. Maririnig ang maingay na tunog mula sa likuran nito at mukhang nasa gitna sya ng maraming tao ngayon
Dahan-dahan kong ibinalik sa tenga ang cellphone upang sumagot sa kanya.
"Anong meron?" tanong ko.
"Sheesh! Nakalimutan agad! 'Di ba may date tayo kay kasawian?"
Shoot! Oo nga pala! Dagli akong napabangon at dumiretso sa aparador ko, hawak parin ang cellphone sa aking tenga.
"Asan ka na ba? Magpapasundo ka?" dagdag nya.
"H-Hindi na! I'll be there briefly!" natataranta kong sagot.
Marinig sa kabilang linya ang tawa nito habang may mga boses ng lalaki sa likuran.
"Ok ok! Bilisan mo ha!" paalala nya pa.
"Oo nga!" pasigaw ko nang sagot saka agad na ibinaba ang tawag.
Tinapon ko ang cellphone sa kama saka naghalungkat ng damit. Hindi naman ako pwedeng pumunta roon ng naka pencil skirt at polo, magmumukha nalang rin akong teacher don.
Pagkatapos ang ilang saglit ng paghuhukay ng isusuot ko ay kaagad na akong tumungo sa banyo upang maligo.
Bago umalis ng bahay ay sinigurado ko muna ang mukha ko sa salamin at ngayon ko lang napansing, mukhang magsusundo ako ng kaluluwa patungo sa impyerno. Naka-all black kasi ako kaya naman ang lakas lang maka gothic ng suot ko
Kung may susunduin man akong kaluluwa ay sana ang sa taong nanakit sa kaibigan ko nalang.
Natatawa sa naisip nalang akong napailing bago lumabas na ng kwarto. Umalis ako ng bahay sakay ang dati kong motor at laking gulat ko namang hindi pa pala ito kinakalawang haha!
Mabilis na pinaharurot ang motor ko sa kalsada at ang sarap sa pakiramdam ang masakyang muli ang motor na ito. Parang ang lahat ng pinagdaan ko noon ay nagsibalik sa alaala ko
Ang ganda ng gabi at ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko ay nakakamiss. Nakangiti mula sa loob ng helmet akong nagdrive.
Pagkarating sa dati naming tagpuan ay nagpark na ako sa gilid ng kalsada. Bago bumaba ng sinasakyan ko ay sumilip muna ako sa pangalang 'DK Bar' sa itaas, na hanggang ngayon ay wala paring pinagbago maliban sa iilang renovations
Marami rin akong ala-ala sa bar na ito.
Pumasok ako sa loob at ang malakas na patugtog ng DJ sabayan pa ng mga nakakasilaw na dim lights sa paligid, ang agad na bumungad sa akin. Mas lumawak ang lugar na ito kumpara sa dati pero marami parin ang mga bumibisita tulad noon

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Ficção Geral[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...