Pagkatapos ng halos kinse minutong paglalakad ay sa wakas nakita ko na rin ang supermarket sa dulo ng second floor. Kung bakit kasi andaming pasikot sikot sa mall nato eh!
Sinimulan ko nang lakarin ang daan papunta doon, dahil nasa kabilang dako pa ako ng mall, nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa kaya naman saglit akong napatigil
Kaagad ko iyong kinuha at sinagot nang makita ang pangalan ni mommy na tumatawag
"Yes ma"
Panimulang sagot ko rito.
"How's your day? Bakit wala ka pa rito? Hindi ko nga pala nasabi sayong hindi kita kinunan ng ticket paalis hehe"
Tuloy tuloy ang pagsasalita nya at napairap nalang ako sa huli nyang sinabi na mukhang nahihiya pa na ipinaalam nya sa akin yun. Tsk. Kung miminsan talaga hindi ko na alam ang tumatakbo sa isipan nya
"It was fine and I already ate dinner. Pauwi na rin ako may bibilhin lang sa supermarket saka nasabi na ni Yanna sa akin ang ginawa mo. Why do that?"
Sagot ko sa mga tanong nya at dahan dahang nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya kaya naman ulit ay napairap ako sa hangin
"Hahaha! What can a mother do? Pinakiusapan ako ng mga kaibigan mo dahil nagaalala sila pagkatapos mo raw umalis sa reunion nyo kagabi!"
Mula sa natatawang tono ng boses nya ay parang bigla itong nagtaray. Minsan naiisip ko nalang rin na buntis si mommy dahil para syang may mood swings o baka naman sakit na yan?
Natigil ulit ako sa paglalakad nang banggitin nya ang reunion kagabi. Napakawala nalang ako ng buntong hininga at napapikit. Nakwento ba nila ang nangyari?
"Oh? Bakit parang ang bigat bigat nyan?"
Muli akong napamulat nang magsalita sya.
"Wala naman. Nakwento ba nila ang nangyari?"
Bahagyang may pagaalala kong tanong sa kanya at natawa nanaman sya. Tss. May sira na yata ang ulo ng nanay ko
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakikinig sa medyo nakakairita nyang tawa.
"Why are you worried? Did you see him? You're puppy love? Hahaha"
"Ma!"
"Hahahaha! What?"
Halos singhalan ko sya mula sa kabilang linya dahil sa sinabi nito na napapapadyak pa sa lupa gamit ang kanan kong paa. Hindi kilala ni mommy si Kyle in person, ang alam nya lang ay may naging boyfriend ako na ang pangalan ay Kyle na school mate ko noong nasa senior high ako at nagbreak rin naman pagtungtong ng college, for who knows why
She always teases me calling it 'puppy love'. For God's sake! We've been out for like 3 and a half years and you still call that puppy love? Tsk. Whatever
"Stop talking about that guy really!"
Para akong batang nagtatantrums ngayon. Kung makikita nya lang kung gaano kakunot ang noo ko at gaano kasama ang tingin ko sa hangin ay mas lalo lang syang matatawa
Habang tumatanda si mommy ay parang mas lalong nagiging dalaga ang pagiisip nya. If this is not a disorder, I don't know what is
"So you did see him? Hahaha! How it go?"
Mas chismosa pa sya kaysa sakin noong highschool days ko psh.
"It was...ugh...so awkward. Wag na nga natin sya pagusapan! Baka mamaya may jowa yun tapos pinaguusapan natin ng ganito tsk"
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Ficción General[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...