This is an awkward phase...
Nakasakay na kami pareho sa sasakyan niya at nagmamaneho na patungo sa kung saan niya man balak maghapunan.
Habang sa biyahe ay pareho lamang kaming tahimik sa loob ng sasakyan na kahit ang tibok ng puso ko ay naririnig ko na. Diretso lang siyang nakatingin sa harapan at paminsan minsan ay napapasilip nalang ako rito
Para tuloy akong nabibingi sa katahimikang ito.
Come to think of it... naaalala kong inaya siya nung Maisie na iyon kanina na maghapunan. Sa pagkakaalam ko ay hindi siya humindi sa kaniya. Ngunit hindi rin ito um-oo? Ang babaeng iyon ang nagyaya sa kaniya pero bakit ako ang kasama niya ngayon?
Huh? Nag-away kaya sila? Well, that's none of my business afterall.
Hmm.. speaking of Maisie. Ano nga pala ang ibig niyang sabihin noong nagpakilala siya sa akin bilang isang Assassin Captain ng isang division? Marami ba silang captain at division sa firm na iyon?
Tsk. Now I'm curious.
Lumingon ako kay Kyle habang diretso ang titig nito sa harapan. Mukhang hindi manlang niya ako napansing nakatingin sa kaniya.
Habang pinagmamasdan ko ang gilid ng mukha nito ay ngayon ko lang na appreciate ang hubog ng kaniyang panga. Hindi ko masasabing pumayat siya mula noong huli ko itong nakita, 8 years ago, pero parang mas naging halata ang details ng kaniyang mukha ngayon
Is it because of maturity? Or very late puberty?
"Tsh. Do you feel like taking my face home now. Hm?"
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagtawa nito at malambing na tono ng kaniyang pananalita. Inirapan ko siya kahit pa nasa kalsada ang paningin niya at humarap na lamang sa harapan
Napaka mahangin parin talaga.
Natawa na lamang ito nang hindi ako nakasagot sa kaniya.
"Say...ilang division saka captain ang meron kayo sa firm niyo?" tanong ko habang hindi lumilingon sa kaniya.
Nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang pagtitig niya dito sa akin pero hindi ko siya nilingon pabalik
"Why do you wanna know?" tanong nito pabalik.
Saglit akong hindi nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Would it help if I say that I want to know more about that Maisie? Probably not. Iba nanaman ang iisipin niya tss
Knowing him and his scheming attitude.
"A-ah.. curiosity?" sagot ko na lang rito.
Narinig ko ang isang malalim na hiningang kumawala mula sa kaniya bago ito nagsalita. Napasilip ako rito at nakita ko kung paanong sumeryoso ang kaniyang mukha
"Climaxx. Meron itong pitong division. At bawat division ay may squad leader na tinatawag na commander, or atleast that's what they refer themselves to." tumigil ito saglit dahil niliko niya pakaliwa ang sasakyan, papalabas ng highway.
"Bawat division ay may mahigit kumulang 50 tao ang nakapaloob roon. Each division is divided in two groups, the offensive and defensive teams" patuloy niya.
"May kaniya kaniya rin silang captain. Ang defensive team ay mas marami kaysa sa offensive team dahil ang defensive team ay trabahong magprotekta. They have a captain called Defend Captains" tumigil ulit siya dahil lumiko naman kami ngayon pakanan, palabas ng main road.
Wala na akong masyadong nakikitang matataas na building rito at parang papalapit kami sa isang subdivision dahil may mga bahay na akong nakikita
Meron bang restaurant dito? O balak niya kaming kumain sa karinderya? Not that I'm complaining but I think that is so not like him. Actually, neither of him and his friends would likely to eat in karinderya's?

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
General Fiction[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...