Chapter 16: Roses and Blood

60 5 0
                                    

Sapphire POV

Buong umaga ay nakahiga lang ako sa hotel bedroom namin kasama si Kyle at kumakain ng popcorn habang nagmomovie marathon.

Ang sitwasyon nayun ay wala sa plano ko sa buong buhay ko, tsk.

Pagkarating kasi sa hotel ay bigla sumama ang pakiramdam ko kaya nagpaiwan nalang ako, pero wala ni isa sa kanilang nagpaiwan para samahan ako, sa halip ay iniwan nila kami ni Kyle mag-isa doon, so betrayed

Wala naman akong arte sa katawan kaya hinayaan ko na rin syang samahan ako, kaysa naman maiwan akong mabaliw doon mag-isa tsk. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nakatulog rin naman ako kaya hindi ko naman ramdam ang pagkailang kasama sya

Nang gumaan ang pakiramdam ko ay bumaba kami ni Kyle para magrelax sa hot spring buong hapon.

At ngayon ay nandito kami sa harapan ng isang malaking lamesa, kakain na ng hapunan

Pinagmamasdan ko ang mga kaibigan naming busy na nag-uusap habang sine-serve ang mga pagkain sa harapan namin at nakikinig sa musikang tinutugtog ng banda ng resto na ito, ang Dawn. Si Third ang tumutug-tog sa harapan ngayon kasama ang mga kaibigan nya

"So... how's your day?"

Nang makaalis ang waiter ay kaagad naming sinimulan ang pagkain. Habang ang lahat ay nakatutok na sa hapag ay si Glizz ang unang nagsalita na may mga ngisi sa labi.

Nagkatinginan kami ni Kyle nang sa amin nya itanong, specifically sa akin, ang tanong na iyon. Tumango-tango lang ako rito habang naglalagay ng kanin sa kutsara ko

"It was fine, I guess" kaswal kong sagot.

"Oooh!"

Napatingala ako nang marinig ang hindi kaaya-ayang tunog na iyon na nangagaling sa mga bunganga nila, mapanuksong tunog.

Pinangunutan ko ng noo ang mga ito dahil wagas lang kung makatitig sa amin ngayon. Parang dart board tuloy ang mukha namin ni Kyle dahil tutok na tutok sila sa amin

"Bakit ganyan kayo makatingin?"

Napalingon ako sa katabi kong si Kyle nang magsalita sya sa isang seryosong tono. Mukhang hindi nya rin nagustuhan ang inakto ng mga kaibigan namin

Oo nga naman. Bakit sila ganyan kung umasta. Tapos na nga hindi ba? Bakit pa sinusubukang ibalik?

"Wala naman. May nangyari ba sa hotel room habang wala kami?" malaki ang ngiti ni Yannang tanong.

Matalim ko itong tinignan pero hindi manlang nagbago ang ekspresyon nya, ni isa sa kanila. Nang walang sumagot ni isa sa amin ni Kyle ay tumawa silang lahat. Napapairap nalang ako habang sumusubo

Nagpatuloy ang mga ito sa panunukso sa amin na akala mo ay kami ang entertainment nila, tsk.

When will they ever grow up?

Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng tubig saka tumayo at nagpaalam na maghuhugas ng kamay, pero nang tatapat na ako samay cr ay lumiko ako papalabas ng resto

Geez! Kaya na rin naman nilang bayaran ang mga kinain namin tutal may mga pera naman yun. Ayaw ko lang marinig ang mga tukso pa nila. Sana naman naisip nila kung gaano nakakailang yun, tsk

Habang naglalakad-lakad ay kaagad nangunot ang noo ko nang may makitang isang babaeng nakastripes ng shirt, ang nakatago sa likod ng puno ng niyog, at tinititigan ako. Nanayo ang balahibo ko sa katawan kasabay rin ng pag-ihip ng malamig na hangin mula sa dagat at ang biglaan nyang pagkawala sa paningin ko

Mabilis ang lakad kong nilapitan ang pwestong kinatatayuan nya kanina at wala na talaga sya dito. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, umaasang makita sya nang may mahagilap ang mga mata kong isang babae na nakastripes ang naglalakad papatalikod

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon