Chapter 44: One Night Stand

75 6 0
                                    

I put on my robe and hotel flip flops. I only have underwear inside for easy wearing of gowns

Kakatapos lang ng make-up ko at hindi ko alam kung nairita ba sa'kin ang make-up artist o hindi hahaha. Naka ilang beses kami ng ulit sa make-up ko dahil tuwing ilalagay na yung falsies ko ay naluluha ako

One time naman na nailagay namin ng hindi ako naluluha ay nakalimutan ko naman isuot ang contacts ko. I always end up tearing up when wearing them so we literally started over

Lalo na at kapag naglalagay siya ng eyeliner sa ilalim ng mata ko ay naiiyak din ako. Gosh. I knew make-up wasn't cut out for me but I didn't expect it to be this troublesome

Kung hindi niya lang talaga kasal eh.

Mabuti nalang din at mabait ang assistant make-up artist at siya ang halos nag ulit ng mga make-up ko. Good for her

Pati na rin ang buhok ko ay ayos na. Ang natitira ko nalang na gawain ay bisitahin ang bride bilang bridesmaid niya

Ang kwarto niya ay hindi naman kalayuan sa kwarto kung saan kami inayusang lahat kaya hindi rin naman tumagal nang tumapat ako sa kwarto niya

Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan ang pintuan. Bumungad sa'kin ang malamig na ac at si Cheska na kinukuhaan ng litrato si Glizz at Yanna habang nasa likod naman nila si Jhanin at Hailee

Pagpasok ko ay lahat ng kanilang mga mata ay nakatutok sa'kin. Ngumiti ako sa mga ito at tinaas ang palad ko bago sinarado ang pinto

"Gaganda niyo, mga hayop ah!" biro ko kaagad sa kanila.

Lumapit ako sa mga ito habang natatawa kaming lahat.

"Kunware walang hang-over" dagdag naman ni Hailee.

Nagtawanan kaming lahat. Sila lang naman ang may hang-over kasi hindi ako uminom kagabi.

"Kunware 'di amoy suka yung bunganga hahaha!" ang tawa naman ni Glizz.

Sabay kaming lahat na napalingon kay Yanna at nagsi tawanan. Sinamaan niya naman kami ng mga tingin pero natatawa nalang rin itong nagtaray

Kaninang umaga ay halos magpanic kaming lahat nang halos gusto na niyang yakapin ang inidoro kakasuka. Napa sobra yata ang bridal shower niya kagabi at ang bigat ng hang-over niya kanina

Ngayon ay hindi man halata sa malayuan pero kapag lumapit, makikita mo ang medyo mangitim-ngitim at putok niyang eyebugs na tinabunan lang ng make-up hahaha!

Mabuti nga at lumiit litt na ngayon eh. Kanina ay para talaga siyang may bata sa magkabilang ilalim ng kaniyang mata

"Huy! Maka ilang beses naman ako nag toothbrush ah?" ang tampo nitong sabi.

Mas natawa nalang kami rito.

"Ay nga pala, kompleto na tayong apat. Tara picture!" ang biglang sabi ni Glizz.

Agad naman akong tumabi sa kanila at sa gilid ko si Hailee, pinagigitna namin si Yanna. Si Cheska ang kumuha ng litrato namin gamit ang camera

Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay na e-experience namin ang ganito. Ang maging bridesmaid sa kasal ng isa't isa. Iniisip ko tuloy kung sino ang susunod na ikakasal

"Ayan! Ganda!" ang komplimentaryo ni Glizz kay Cheska.

Tinitignan nito ang litratong kinuha niya samin.

Habang busy siya don kasama ni Hailee ay lumingon naman ako kay Yanna. Napansin niya ang paglingon ko rito kaya tumingin rin siya sa'kin

Ngumiti lang ako rito ng nakaka intrimis at bigla niya nalang akong natatawang hinampas sa balikt.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon