Chapter 48: Consequences

58 6 1
                                    

Binabalot kami ng nakaka binging katahimikan. Si Tiffany ay diretso lamang ang titig sa akin habang may malalamig na mga mata. Sa sobrang lamig ay parang ramdam ko ang patay na kaluluwa nitong tumatagos sa kaluluwa ko

I can see resentment in her lifeless eyes.

Nakatingin lang rin ako sa kaniya. Samantala, ang kasama nitong hindi ko inaasahan ay nakangiti sa amin ni Kyle. Kung akala mo ay hindi kami nakakulong rito ngayon, at parang nagka salubong lang sa mall. He look so natural and unbothered by the situation

Ang katahimikan sa pagitan naming apat ay tumagal lamang ng ilang segundo. Si Tiffany ang unang nagsalita

"As much as I want to kill you right now..." panimula nito.

Ang tono ng boses niya ay kasing lamig ng ihip ng hanging pumapasok mula sa maliit na bintana sa aming likuran.

"Pinapasabi ni Leui na bibisitahin ka niya mamaya. So no funny business. And don't even think that you can escape here" dagdag pa nito sa parehong tono.

Natikom ko lamang ang aking bibig at napakuyom sa aking mga kamao. Tinitigan ko siya ng mabuti. Gusto kong magsalita ngunit wala akong masabi rito

It's like my tongue froze the moment I set my eyes on her cold pupils. Para siyang kampon ni kamatayan. Kasing lamig ng bangkay, lalo na at sobrang dilim rito. Nagmu mukha itong anino ng karimlan

Nagka titigan kaming dalawa bago nito napag pasyahang talikuran ako at maglakad paalis. Gusto ko pa siyang kausapin dahil hindi ko parin lubos na maisa-isip ang mga nangyayari ngayon

"Tiffany.." malumanay kong tawag.

Nakita ko kung paano siya natigilan sa paghakbang. Nakatalikod ito at pansin ko rin ang pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Alam kong ayaw niya akong kausap ngayon at mas lalong ayaw niyang makita ang pagmumukha ko. Pero gusto ko talaga itong kausapin ng masinsinan

Tumalikod siya upang harapin ako. Agad na nagsitayuan ang balahibo sa aking braso nang magsalubong kami ng tingin. Ang mga mata niya ay hindi na kasing lamig ng kanina.

Napupuno ito ng puot na kung akala mo ay maya't maya nang lalagab-lab sa apoy ang mga mata nito. Galit ang nakikita ko

"What."

Ang boses niya ay halatang nagpipigil. Pinipigilan niyang magpakita ng kahit ano mang reaksyon sa akin ngunit kita ko sa mga mata nito kung gaano kalaki ang sama ng loob niya sa'kin

"Mag-usap tayo. Hindi ko sinasadya ang nangyari noon" ang panimula ko.

Hindi ako nagpakita ng pagsisisi sa boses ko pero sa loob ng aking dibdib, nagsisisi akong hindi ko sila inalala. Kung sana lamang ay binigyan ko sila ng mas malaking atensyon at inintindi ang kalagayan nila, hindi sana kami malalagay sa pahamak ngayon. Hindi sana mapapahamak ang buhay ng anak ko

Hindi pa man siya nakakalabas at nasisilayan ang mundo, nagdudusa na agad ito sa loob ng sinapupunan ko dahil sa mga pagkakamali ng mama niya

I really am not ready to be this child's parent. Poor thing

"Hindi sinasadya?" bahagyang tumataas ang boses nito.

Mabilis siyang naglakad pabalik sa posisyon kung saan niya kami kinausap kanina, sa harapan ko kung saan ang bakal na selda lamang ang humihiwalay sa aming dalawa

"You! You left us!" halos sumigaw na ito.

Ang boses niya ay umalingaw-ngaw sa tahimik at madilim na kapaligiran ng piitan sa ilalim ng lupa. Ramdam ko ang galit nito at napakuyom na lamang ako ng aking mga palad

Huminga ako ng malalim at taas noo siyang hinarap.

"No I didn't!" depensa ko sa sarili. "Hinanap ko kayo pero ang sabi ni Blake ay wala nang tao doon sa loob. I assumed you were already safe!" saad ko pa.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon