Chapter 11: Worry

72 7 0
                                    

Inilatag na ni Jhanin sa sahig ang kinuhang extra foam para sana sa kama ni Hailee. Malaki at makapal naman iyon kaya kakasya ang tatlo saamin doon

"Matutulog talaga tayo ng maaga?"

May bahid ng pagkadismaya sa boses ni Glizz na nagtanong kay Hailee. Tinanguan naman sya nito na may ngiti sa labi habang inaayos ang bedsheet ng kama nya

"Bukas na kayo magpaka-wasted. Siguraduhin nyo lang 'di nyo mailuwa yang mga bituka nyo ha?"

"Oo naman!"

Natatawang sabi nya at sabay naman kaming lahat na sumagot saka pinili ang kanya kanyang pwesto sa pagtulog. Nasa sahig kami ni Jhanin at Yanna samantala si Glizz at hailee naman doon sa itaas ng kama nya

Ilang oras ng pagkakapikit ay hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang braso ni Kyle at ang reaksyon ni Hailee kay Cheska at Clark kanina. Sobrang pula kasi non at baka mamaya maputol pa yang kamay nya

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip. I'm overthinking it again. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi magising ang mahimbing na natutulog kong katabi na si Jhanin at saka tumayo. Halos magmukha akong magnanakaw sa paglalakad para lang hindi sila magising at lumabas ng kwarto

Pagkalabas ay bumungad sa akin ang madilim na bahay saka ng mga costume nilang nakalatag sa sala sa ibaba, nakaayos ang pagkakalagay para handa na sa pag-alis nila bukas. Tutal maaga pa ang mga iyon dahil may misa sa umaga

Bumaba ako papunta sa kusina at nagtaka ako kung bakit bukas ang ilaw doon. Pagpasok ay may taong nakatayo sa harap ng ref at mukhang nagtutungga ng tubig sa baso nya

"Thirsty?"

Nakangiti kong tanong kay Hailee nang isarado nya ang pintuan ng ref nila at humarap sa akin. Ngumiti rin ito sa akin saka tumango at ininom ang baso ng tubig

"Ikaw? Hindi ka ba makatulog?"

Ang tanong nya sa akin saka pinunasan ang mabasa-basa nyang labi. Umakto ako ritong nag-iisip at napa'tss' naman sya sa akin at umupo sa kitchen counter nila

"Iniisip ko lang. May gusto ka pa ba kay Clark?"

Marahan ang pagkakatanong ko noon para hindi sya mabigla saka ngumiti sa kanya. Napatigil naman ito sa pag-inom ng tubig nya saka lumingon sa akin na may ngiti rin sa mga labi. Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang gustong sabihin ng mga mata nya ngayon sa akin

"Wala."pinal ang tono ng boses nyang sabi sa akin. "Nagtataka ka siguro kung bakit ganon ang pagkakatitig ko sa kanila kanina?" usal nya.

Bahagya mang naiilang at iniisip na baka nasasaktan sya ay tumango ako rito. Napakawala sya ng isang mabigat na buntong hininga saka napatitig sa hawak nyang baso, humihigpit ang pagkakahawak nito

"Bukod sa nag-aalala ako na baka hindi na kami maging ganoon kalapit ni Clark sa isa't isa, nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Cheska"

Sa tono ng kanyang boses at sa mukha nya ngayong seryosong nakatingin sa baso, ay bakas nga sa kanya ang lubos na pag-aalala para sa pinsan nya.

Pero nangunot ang noo ko sa sinabi nyang kalagayan ni Cheska. May problema ba sa kanya? Disorder, ganon?

"Why? May sakit ba sya?" puno ng pagtataka kong tanong.

Tumingala sya para tignan ako. Ang mukha nya ay parang naguilty pa ito dahil nabanggit nya ang kalagayan ni Cheska. Napapaka-wala ako ng buntong hininga saka lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nito, sa ibabaw ng kitchen counter nila, at hinagod ang likuran nya

I can see through her that she really cares about her cousin, a lot.

Pero kung titignan naman si Cheska ay parang wala naman syang sakit o ano? Parang kaya pa nga nyang manapak ng lalaking dalawang beses ang laki sa kanya?

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon