Minulat ko ang aking mga mata at puting kapaligiran ang bumungad sa akin. Nakaupo ako sa isang bench mula sa kawalan. May biglang mga aninong lumabas sa aking harapan
Isang matandang lalaki habang hawak-hawak ang kamay ng isang batang babae na nakasakay sa kabayo. Napangiti ako sa tanawin nilang dalawa
Pareho sila ay may malaking ngiti sa labi. Naglalakad ang mga ito papalayo sa akin. Hindi ko alam kung kilala ko silang dalawa pero pamilyar ang mga ito. Hindi klaro ang kanilang mga mukha pero parang mga tao silang malapit sa puso ko
Tumatawa ang batang babae na sinundan rin ng matandang lalaki. Napaka saya nilang tignan...
Patuloy sila sa paglalakad patungo sa liwanag. Ano'ng gagawin nila sa liwanag? Masaya ba roon? May katahimikan ba ang buhay na meron doon? Magiging payapa ba sila roon?
Bago tuluyang mawala sa hamog ng liwanag ay lumingon sila pareho sa akin. Doon ay unti-unti ko nang nakikita ang kanilang mga mukha
Sumilay ang isang malapad na ngiti sa aking labi at kumaway sa kanila nang lumingon ako at si lolo sa aking direksyon. Kumaway sila sa akin kaya ginantihan ko lamang ang mga ito
Doon ay tuluyan na silang nawala sa liwanag. Kinain ng hamog ang kanilang mga katawan kabilang na ang nasa kabayo.
Bigla nagbago ang paligid. Lumitaw ang malawak at asul na asul na kalangitan. Napansin ko na lamang na naka-upo ako sa damuhan sa ilalim ng isang malaking puno katabi ang mga bulaklak
May hawak akong libro at sa tabi ko ay may mga pagkain.
"Hahaha! Mommy!"
Tumingala ako nang marinig ang maliit na tawang iyon.
"Hahaha! Baka madapa ka! Dahan lang!"
Isa pang boses ng lalaki.
"Daddy! Maganda ang bulaklak oh!"
Boses ng isang maliit na batang babae.
Mula sa kina-uupuan ko ay may nakita akong tatlong anino sa gitna ng mga bulaklak. Habang tumatagal ay unti-unting lumilinaw ang paningin ko
Isang lalaki ay naglalaro kasama ang dalawang bata, isang babae at isang lalaki na pareho lamang ang edad. Masaya silang naghahabulan, namimitas ng bulaklak, at naglalaro sa lumilipad na paro-paro
Nakatulala lamang ako sa kanila nang bigla itong tumingin sa akin. Kumaway silang tatlo sa akin na may malalaking ngiti sa labi. Doon ko lamang napagtanto na si Kyle ang lalaki na may kasamang dalawang bata
May bigla itong binulong sa dalawang bata kaya tumawa naman ang mga ito. Saka biglang sumigaw..
"Mommy! I love you!"
May biglang malakas na pwersa na tumama sa aking dibdib. Parang matutunaw ang puso ko dahil sa aking narinig
Hindi ko namalayang nagsitulo na ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Umaagos iyon sa aking mga pisngi patungo sa ilalim ng aking ulo
Kumaway muli silang tatlo sa akin kaya naman kumaway rin ako sa kanila. Nagtawanan ang mga ito at nagpatuloy sa paglalaro. Binaba ni Kyle ang batang lalaki na kaniyang hawak at patakbong lumapit rito
Nakatulala ako sa kaniya nang tumabi ito sa akin
Napaka ganda ng sinag ng araw at nakaka kalma ang usad ng panahon
Lumingon siya sa akin na may malaking ngiti sa labi at natulala ako sa mukha nito. Bahagyang tumabingi ang kaniyang ulo sa pagtataka
"Why? Is something wrong?"
Kaniyang tanong.
Kumurap-kurap ako ng ilang saglit habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa nangyayaring ito

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Ficción General[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...