Chapter 41: A time in Ibiza

41 5 0
                                    

Sinubukan kong galaw galawin ang mga kamay ko pati na rin ang leeg ko, and they're kind of stiff. Dahan-dahan kong pinakiramdaman ang paligid at mukhang napaka tahimik nito

Minulat ko ang aking mga mata para lamang madatnan ang loob ng eroplanong wala nang tao. I immediately panicked and sat up straight. Tatayo na sana ako upang hanapin ang mga kasama ko nang mapansing may hawak ang kamay ko

Tinignan ko iyon at namimilog ang mga mata ko nang makitang magkahawak parin ang kamay namin ni Kyle. Tinignan ko siya sa mukha at nakangiti itong nakatingin sa akin

What the heck?! Kami nalang dalawa ang natitira rito? And he didn't even bothered to wake me up!

Nakasandal pala ako sa balikat niya, magkahawak parin ang mga kamay, habang mahimbing na natutulog.

"Where are we? Asan sila? How long was I out?" sunod-sunod kong tanong.

Natawa ito ng mahina sa pagpapanick ko at bahagya kong naramdaman ang paghaplos ng kaniyang daliri sa palad ko. Napatingin ako roon at nakita kung paano ka malumanay niyang hinahawakan ang kamay ko

"They all left a second ago. Ang sabi ko ay susunod nalang tayo kapag gumising ka na" ang sagot niya sa'kin.

Kaagad na nanaas ang isang kilay ko. Eh bakit hindi niya ako ginising? Goodness!

"Eh gaano ako katagal na natulog?" sunod ko pang tanong.

Ngumiti siya sa akin na parang naaaliw ito.

"Almost half the flight" sagot niya.

Parang piso ay bumilog ulit ang mga mata ko. I was out for that long?!

Pero hindi ko naman masisisi ang katawan ko. Bago kami umalis kahapon ay marami akong trabaho na tinapos ng pasikreto kay Sky para sa pagbalik ko ay hindi na tambak iyong ginagawa ko

Kahit na pinagbabawalan niya ako sa pagtatrabaho ng marami, na umaabot sa puntong gusto niya muna akong magpahinga at hindi magtrabaho dahil sa kondisyon ko, ay sinuway ko parin siya. I don't want to be in depth for using a lot of money without working for 'em?

That's just selfish.

"Then where are we? Anong oras na ba?" tanong kong muli kay Kyle.

He looked at his watch before turning back on me.

"It's 6pm and we're already in Ibiza airport" he answered.

"6 pm!? This bright is six in the afternoon!?" naghi hysterical kong tanong.

Narinig ko muli ang isang hagikhik mula sa kaniya at talaga bang nakukuha niya pang tumawa diyan habang ako ay nagpapanick na dahil kaming dalawa nalang ang nandito.

It's weird to think about it, the both of us still here. Habang ang mga kaibigan namin ay nasa kung saan na. We were supposed to be meeting Nicko as a group

"Where in spain. Alas sais na ngayon sa Pilipinas. But here, it's 12 noon" ang paliwanag niya sa akin kaya naintindihan ko naman. "Should we get off? Are you hungry?" ang tanong niya.

Tumango nalang ako rito at hindi na pinuna ang paghawak niya sa kamay ko simula noong flight namin mula sa Pilipinas.

Geez. Hindi naman na ako masyadong umiinom ng kape pero bakit ganito parin ang pagrereact ko? Is this part of being gestated? Nakaka stress naman

Bumaba kami ng eroplano at dumiretso agad sa departure area. Nalaman ko na lang rin na nandoon na ang mga bagahe namin dahil dinala na nina Glizz at Hailee para sa akin

Nang magkita kita kami ay  naabutan ko silang nakaupo sa upuan at naghihintay samantala si Clark naman ay may kausap sa telepono

"What time will he pick us up?" ang tanong ni Glizz sa isang nabo bored na tono.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon