Chapter 30: San Jose, Romblon

85 6 0
                                    

Habang nasa elevator kaming dalawa ay tahimik lamang ang paligid. I can almost hear my own heartbeat

Dahil nga sa wala kaming pinaguusapan ay busy ang mga mata ko kakalibot sa buong paligid. Ngayon ko lamang napansin na mayroong button sa pagitan ng 1 at 2. Iyon ay may tatak na G

Kumunot ang noo ko dahil ang pinindot ni Kyle kanina ay ang 1st floor, siguro ay doon kami pupunta, ngunit bakit merong ground floor button sa elevator na ito?

Liningon ko siya habang ito ay nakatingin lamang sa harapan. Binuka ko ang bibig ko upang magtanong sana nang bigla namang bumukas ang elevator

Napalingon ako roon at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang isang malaking laboratoryo. Hindi ako sigurado kung laboratoryo nga talaga ito ngunit may nakikita akong iilang mga tao na nakasuot ng lab coat

Nagsimula siyang maglakad at hawak hawak niya parin ang kamay ko. Kaagad ko siyang sinundan at tumabi rito. Bahagya akong lumapit sa kanya at bumulong

"You can let go now" sabi ko.

Lumingon siya sa akin na may kaswal na mga mata bago yumuko at tinignan rin ang kamay naming magkahawak. Pinagmasdan niya iyon saglit bago ibinalik sa akin ang kaniyang tingin at umiling

Tumaas ang kilay ko rito. Hindi ba siya nahihiya? Geez! I'm not even a kid that needs guidance?

Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil mukhang hindi naman nababahala ang mga nagtatrabaho dito. Mukhang masyado rin silang maraming ginagawa para mapansin ang kamay namin o kahit kami

Habang inililibot ang paningin ay marami akong nakikitang mga monitor at malalaking screen. Para tuloy akong nasa isang CIA agency sa loob ng isang pelikula

Sinusundan ko lang siyang maglakad ng deretso hanggang sa may nakasalubong kaming isang lalaki. Normal lang rin ang suot nitong damit ngunit may nakakabit na isang identification card sa kaliwang dibdib niya

"Sir!" bati nito.

Tumayo sya ng diretso at kulang nalang ay magsalute siya kay Kyle upang ipakita ang respeto nito sa kaniya.

"Dane... nagsalita na ba siya?"

Napalingon ako kay Kyle sa kaagaran niyang pagseryoso ng boses at ekspresyon, kagaya nung kausap niya lamang ako sa opisina niya.

Sino ang nagsalita?

"Hindi pa po sir" disappointed niyang sagot saka bahagyang yumuko na lamang sa harapan namin.

Huminga ng malalim si Kyle saka na lamang tumango. Nagsimula ulit siyang maglakad kaya naman tumabi ang lalaking tinawag niyang Dane. Dumiretso kami sa paglalakad hanggang sa mayroong parang daan pakaliwa kung saan wala namang tao, hindi gaya nung pagpasok namin kanina

Tahimik kaming naglalakad na pati ang hakbang namin ay rinig na rinig ko. May karagdagang hakbang akong naririnig kaya lumingon ako sa likuran namin

Doon ko nakita ang lalaking may pangalang Dane at sumusunod sa amin. Nang magtagpo ang paningin namin ay ngumiti ito sa akin na parang nahihiya pa kaya naman ngumiti nalang rin ako rito, ngunit kaagad rin nawala ang ngiti na iyon sa labi ko nang bumaba ang tingin niya

Sinundan ko ang kaniyang mga mata at nakatitig iyon sa kamay namin ni Kyle, na muntikan ko pang makalimutang magkahawak nga pala

Shit.

Umiwas ako ng tingin kay Dane at tumingin sa harapan namin, saka pasimpleng binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Pilit ko iyong iniaalis sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon