Chapter 45: Good Traitors

56 5 0
                                    

Sapphire POV

It's been a week since we got home from Ibiza. Hanggang ngayon ay honeymoon parin nung dalawa kaya wala kaming balita sa mga iyon

The strong wind is blowing our hair backwards as I drive my car at a little bit off the speed limit. Kasama ko si Glizz ngayon at nakasuot siya ng sunglasses niya habang dinadama ang malakas na hanging tumatawa sa mukha nito

She called shotgun, so her bags are at the back right now. Ito na ang huling araw niya rito sa Pilipinas. I'm driving her off to the airport. Babalik na siya ng France

Tutal tapos na ang kasal ni Yanna at nakapag celebrate na rin kami noong isang araw sa pag-alis niya. Imbes kasi na lahat kami ay kikitain siya sa pag-alis, I end up driving her alone 'coz everyone's so freaking busy, tsk

"There, there! Park by the side" ang turo niya sa gilid ng kalsada kaya agad kong binagalan ang pagmamaneho. "Saglit lang ako, promise"

Agaran siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa convenience store. Bumaba na rin ako ng sasakyan at sumandal sa gilid nito

I took my phone out of my pocket. Habang nagmamaneho ako kanina ay panay vibrate iyon sa bulsa ko. When I checked, 2 missed calls galing kay Kyle

Agad na nanaas ang kilay ko dahil doon. Bakit niya ako tatawagan ng ganitong oras? He's at work at this hour? Agad 'kong pinindot ang contact niya at tatawagan sana siya nang biglang magdisplay ang pangalan nito sa screen ko. Tumatawag ito sa pangatlong pagkakataon

Nagtataka ko na sanang sasagutin iyon nang bigla niya namang pinatay. My brow shot up. Sira ba ang ulo ng lalaking yun?

"What's with the frown? May kaaway ka ba sa telepono?"

Lumingon ako sa gilid nang biglang sumulpot roon si Glizz. May bitbit siyang tsokolate at kinakain na ito ngayon. Umiling nalang ako sa kaniya at tinago ang cellphone ko

"Wala. Si Kyle lang may tatlong missed calls. Baka nagkamali ng pindot" ang paliwanag ko rito at naki kagat sa dairy milk niya.

Kaagad na tumaas ang kilay nito at intrimis akong tinitigan, hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Tatlong missed calls? Napindot lang? Nabunggo mo ba ulo mo?" sarkastiko nitong sabi pero nasa seryosong mukha. "Baka may problema na yun" dagdag pa nito.

Umismid lang ako sa kaniya at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Bilisan mo nalang, baka mamaya malate ka pa sa flight mo" saad ko rito.

Kumikibit ang balikat nalang niyang sinunod ang sinabi ko at pumasok sa kabilang pintuan. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang makarating kami sa airport, hindi na iniintindi ang nga missed calls ng lalaking iyon

Paniguradong wala nanaman siyang magawa sa buhay kaya tumawag sa'kin.

Tinulungan ko siyang bitbitin ang mga bag niya hanggang sa entrance. Doon, bago pumasok, ay humarap muna siya sa'kin para sa isang pinal na pagpapaalam

Ngumiti ako rito at handa nang makita siyang umalis. That was a wholesome 5 month reunion with all of them. Maybe after I give birth, when the kid is a little bit older, I'll travel the world with 'em

"Ano? Huli na 'to. Who knows when I'll see you again. Wala manlang 'goodbye Glizz mami-miss ko ang kagandahan mo!' " biro nito sa'kin.

Inirapn ko siya at malumanay na sinuntok sa balikat bilang pamamaalam.

"Wag ka mag-alala, alam kong magkikita ulit tayo, very soon. Magni-ninang ka pa ano!" natatawa kong sabi rito.

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon