"bilisan mo na Leui! Stand up!"
"I'm trying my best, damn it!"
Rinig na rinig ko ang sigaw ni Tiffany habang inaalalayan niya akong tumayo. Pero hindi ko kaya. Masyadong mabigat ang katawan ko at nanghihina parin ang mga paa kong dumurugo
"Nasan ba siya?" ang hirap sa kaniyang boses ay maririnig.
Alam kong hirap na hirap rin siyang kargahin ako lalo na at maliit lang ang katawan niya
"Nandon pa yata sa likod, kalaban si Maxinn at Blake" sagot ko sa kaniya.
Patuloy niya akong ginigiya palabas ng bondega dahil ilang minuto nalang ay sasabog na ang buong warehouse.
"Pasensya na Tif, hindi talaga kaya ng binti ko"
"Tumahimik ka nga at bilisan mo sa paghakbang! Iiwan talaga kita rito!" ang naiinis niya ring sabi.
Lumingon ako sa kaniya at nakikita ko ang mga luhang dumadaloy mula sa kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa mga paa kong hindi ko masyadong maigalaw. We look like she's dragging me outside
Kita ko ang paghihirap sa mukha ng pinsan ko. And I feel so sorry for her. She's carrying me on her shoulders and we're barely moving
"Ano pa ang tinatanga mo d'yan! Kung binilisan mo kaya noh?" ang inis niyang singhal.
Natatawa nalang ako ritong binatukan siya.
"Kargahin mo kaya ako sa likod mo! Alam mo namang hindi ako makalakad!" ang natatawa ko ritong sabi.
If we ever survive this, I would be glad. Pero bakit, Empress? Hindi mo ba kami binalikan? Nasaan ka sa oras na kaylangan ka namin?
"Ang arti mo! Taena! Dali!"
Naiinis man siya ay nagsquat ito sa harapan ko upang kargahin ako sa likuran niya. Sumakay nga ako sa kaniyang likod at kahit na mabagal ang paglalakad niya ay mas mabilis naman kaming nakakausad kumpara kaninang inaalalayan niya ako
Lumingon ako sa likuran, nagbabaka sakaling binalikan niya kami mula sa likod pero wala talaga. Ang nakikita ko lang ay ang bombang may 15 segundo bago sumabog
Bilisan mo Tiffany. I promise we can survive this!
3...
2...
1..
*Boom! Boom! Boom!*
Malalakas na pagsabog ang narinig namin. We barely got out. Kahit pa tumilapon kami pareho palabas ng bodega ay nagpapasalamat parin ako at buhay kami
"Damn! That was a big blow" ang sabi niya habang nakadapa sa lupa at nakahawak sa tenga nito.
I immediately froze when I saw her face. May malaki siyang hiwa sa kaniyang noo at talagang walang tigil sa pag-agos ang dugo niya sa ulo
"Tiffany! You're bleeding! Okay ka lang?"
Puno ng pag-aalala ang boses ay sinubukan kong gumapang palapit sa kaniya dahil hindi kaya ng mga binti ko ang gumalaw. Ilang parte rin ng paa ko ay nasunog ng kaunti dahil sa pagsabog, pero hindi ko iyon maramdaman

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
פרוזה[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...