Chapter 18: Breakdown

52 5 0
                                    

Pahampas na isinarado ni Glizz ang pintuan ng kwarto bago sumunod sa aming maglakad papasok ng hotel room.

Nauna nang pumasok sina Yanna at Hailee sa kwarto, bitbit ang mga maleta nila samantala naiwan naman kami ni Glizz sa parang sala.

"Hey." matigas kong sabi.

Bago sya pumasok sa isa pang kwarto ay padabog kong itinapon ang bag ko sa couch at nagsalita. Tumigil sya sa harap ng pintuan at lumingon sa akin na may malalamig na mga mata

Sa kanyang mga titig ay bigla ako nakaramdam ng panlalamig ng mga braso ko.

"What?" malamig nyang tanong.

Pinangunutan ko ito ng noo dahil hindi ko lang maintindihan kung bakit ganyan sya umasta ngayon. Hindi naman kami nag-away bago ang pangyayari kagabi? Why is she acting like this towards me?

"Let's talk about this. What is your damn problem?" seryoso kong tanong.

"Hm."

Tumaas ang gilid ng labi nya saka sarkastikong napatawa sa akin, bago tuluyang humarap sa akin. Pinagkrus nya ang kanyang mga kamay, at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin

Mas lalo lamang nagseryoso ang ekspresyon ko dahil dyaan sa ginagawa nya. Nang nasa harapan ko na sya ay nawala ang ngisi nito sa labi, saka ako pinanaasan ng kilay

"I wonder that too though...what is my problem, Sapphire?"

Kahit pa nagtataka ako sa sinabi nya nakikita ko naman ang bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Ngayong mas malapit sya sa akin, nakikita ko iyon

Why is she hurting?

"Aba malay ko sayo! Ikaw 'tong tinotopak tapos ako tinatanong mo"

Idinaan ko sa bahagyang pagbibiro ang mga salita ko. Pinagkrus ko rin ang aking mga braso at tinarayan sya ng titig.

Natawa syang muli at lumayo ng kaunti sa akin. Ano ba ang problema ng babaeng ito at sa akin nya idinadaan?

"Sapphire, may career ako sa London. Sa tingin mo, kapag nalaman ng mga taong may nakaraan ako bilang semi-assasin, that would be a big blow to m--"

"Teka...let me get this straight. Sinasabi mo bang, ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa atin 'to?"

Pinutol ko sya sa mahinahon nyang pagsalita nang kaagad magsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nya.

She turned at me with heavy and judgmental eyes, confirming me, maybe.

"If the sneakers are in the right size" pinal ang tono ng boses nyang sabi.

"Ha...amusing" sarkastiko kong sabi.

Tinitigan ko sya ng matalim pagkatapos na bahagyang tumawa sa harapan nito.

"Eto nanaman ba ang paguusapan natin? Pinapaalala ko sayo Glizz, I asked you a question and you made your choice. Sinusumbat mo ba sa akin ang desisyon mo?" ang sabi ko.

Tumaas ang kanyang kilay.

Ok. This is getting out of my understandability.

"No. I take full responsibility for that." seryoso nyang sabi. "Pero Sapphire, bakit mo kami sinangkot sa ganong gulo? Pumapatay tayo! And we were just twelve to sixteen when we did those kind of jobs!" mula sa pagiging kalmado ay unti-unti nang tumataas ang boses ng pananalita nya.

What she said hit me. Napalunok na lamang ako nandahil sa hindi maiwasang pakiramdan ng guilt sa akin.

Yes. I know it's my fault for introducing them to those kind of jobs. But I was damn naive! For the past years, pinagsisisihan ko rin ang mga nagawa ko pero hindi ko naman kasalanan ng buo iyon!

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon