Yanna POV
"It's 5:42. I can make it!" ang usal ko sa sarili habang nagmamadaling maglakad patungo sa aking kotse.
I immediately drove my car out of the company's parking lot. Ang sabi nila ay emergency daw.
After I got off work, I went to that place they texted me. Hindi ako sigurado kung ano ang nangyayari pero habang katawag ko si Sapphire sa telepono kanina ay parang tarantang taranta ito
Sana naman ay walang nangyaring masama sa kanila.
I tried texting and calling Micko, asking what is going on, but he's not responding or picking up at all. Tsk. He's probably off somewhere with some women.
Not that I doubt his loyalty or anything... it just feels like he's out of my reach now. I hope he's not thinking of breaking up with mo or anything. Pagkatapos ng ilang taong pagsasama, bakit ngayon niya pa naisipang mapagod?
"Hay..." napakawala na lamang ako ng isang mabigat na buntong hininga nandahil sa naisip.
Umiling na lamang ako at ipinokus sa daan at sa pagmamaneho ang aking atensyon. Kung sakali nga na magloko siya ay ako na mismo ang bubugbog sa kaniya tsk.
After a few minutes of driving, nakarating na rin ako sa lokasyon na sinend nila sa akin. I just pasted it in the gps I have in my car, and as to my shock... I'm in a garden resort.
What is an emergency doing here? Isa nanaman ba itong pakulo?
Napapairap na lang akong bumaba sa kotse habang sinusubukang idial ang numero ni Sapphire. Kaagad rin niyang sinagot ang tawag ko.
"Asan kayo? Bakit nasa resort ang lokasyong sinend mo?" takang tanong ko sa kaniya mula sa kabilang linya
"Oh! You're here! Haha!" tawa pa nito na parang may sinasaway sa kabilang linya. Napataas ako ng kilay dahil doon. "Tama naman ang nabigay ko sayong lokasyon. Pumasok ka na sa loob at sabihin mo sa front desk na dalhin ka sa room 19" dagdag nito sa kaniyang sinabi.
Huh? Anong gagawin namin sa resort na ito?
"What? Anong gagawin natin sa resort na it-- huh? Hello? Hello!" halos sigawan ko na ang telepono ko nang bigla niya akong babaan ng tawag.
Sheesh!
Sinunod ko na lamang ang sinabi niya at pumasok ako sa loob ng resort. Medyo malaki ito kumpara sa labas. Maganda ang paligid at mukhang isa pa itong five-star rated resort, kaya nakakapagtakang wala akong nakitang ni isang sasakyan doon sa parking lot at wala ni isang guest sa kanilang public pool
Posible kayang sarado sila? Kung sarado sila, paano naman nakapasok ang mga lokolokong iyon dito? Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad
Nang mahanap ko na ang front desk nila ay mayroong dalawang staff doon na nakabantay. Lumapit ako sa kanila at kaagad nila akong sinalubong ng isang ngiti nang makita ako ng mga ito
Ngumiti rin ako sa kanilang dalawa bago sabihin ang pasya ko.
"A friend called me and asked me to come here. Pwede niyo ba akong dalhin sa room 19?" nakangiti kong sabi sa kanila sa isang patanong na tono.
Pareho silang nagkatinginan at sa tinginang iyon ay parang napagdesisyunan na agad nila kung sino ang magdadala sa akin doon. Ang lalaking nasa kanan ay nakangiting bumaling sa akin saka tumango
"Follow me po ma'am" sabi nito saka siya lumabas ng front desk at nagumpisang maglakad.
Bumaling ako patalikod doon sa natitirang lalaki sa harap ng front desk saka ngumiti sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Fiksi Umum[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...