Chapter 20: Relief

55 4 0
                                        

Clark POV

Pagkatapos makuha ang numero namin ay kaagad akong naglakad pabalik sa waiting table kung saan naghihintay si Micko at Dennis. Medyo marami ang nabili namin dahil mukhang hindi pa sila nabusog sa kinain namin sa resto

Nicko gave the girls company as we order for take-outs from McDonalds.

"Anong numero?"

Kaagad na tanong ni Dennis nang makalapit ako sa kanila. Itinuro ko ang monitor sa itaas kung saan nasa huli ang numero namin.

"371." sagot ko.

Tumango ito sa akin at hindi ko naman maiwasang mapansin ang balisang mukha ni Micko. Nakatukod ang dalawang siko nito sa high table at nakatulala sa sahig.

"Sa labas ako maghihintay."

Napalingon naman ako kay Dennis nang magsalita ito at tapikin ang balikat ko, habang nakatingin sa malayo mula sa loob ng fastfood resto. Tumango ako sa kanya kahit pa hindi naman nya iyon nakita dahil nagmamadali na syang maglakad palabas ng resto

"Bro. Nag-away nanaman ba kayo?"

Tumabi ako kay Micko saka tinapik ang balikat nya upang bumalik ito sa realidad. Napalingon sya sa akin bago nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga, at tumango. Napailing-iling nalang ako rito

These past weeks, they've always been fighting. Minor man o hindi na problema iyon. They might even break up, if the worst scenario come.

"Obviously. Minsan hindi ko na talaga alam kung dapat pa ba namin ipagpatuloy toh?" napupuno ng lungkot ang kanyang mga mata.

"Ano nanaman ang pinag-awayan nyo?" taka kong tanong.

"I forgot to dry her clothes after spilling some coffee on her suitcase earlier. So we bought new ones before having dinner. Hindi na nya ako pinapansin buong gabi." sagot nya.

"Pfft--seriously? Damn man! Minsan iniisip ko nalang rin kung seryoso ba ang tampuhan nyo? Hahahaha!" tinawanan ko ito saka bahagya pa syang sinuntok sa balikat.

Kaagad nya akong tinapunan ng masasamang tingin ngunit hindi nun napigilan ang tawa ko.

"Shut up!" seryoso nyang sabi.

Ngumisi ako rito habang napupuno ng panunukso ang ekspresyon ng aking mukha.

"Maybe she's pregnant or something. You're understanding her for a long time, how's it difficult to do now that you're having the idea of proposing to her?" natatawa kong sabi.

Sa ulit ay napakawala sya ng isang buntong hininga. Tumango ito sa sinabi ko at ilang saglit lang na hindi nakasagot.

"Right. I'm not blaming her for having that kind of attitude towards me, if she's pregnant." sabi nya. "Pero  kung buntis nga sya, signs would have shown by now. Kaya imposible." iiling-iling nyang paliwanag.

Tumango nalang ulit ako rito, sumasang-ayon sa sinasabi nya. Wala sa ugali ni Yanna ang magtaray dahil lubos syang malambing na tao, kaya naman nakakapagtaka na nag-aaway sila ngayon.

"Tiisin mo nalang, mahal mo diba? And about that proposal, better plan that even more carefully." suhestyon ko.

Napatango nalang rin sya sa sinabi ko. Ilang saglit pa ang lumipas bago sinerve ang order namin. Bit-bit ang mga plastic na may lamang mga pagkain ay lumabas na kami ni Micko ng fastfood resto saka hinanap si Dennis

Sa parang malaking eskinita, kung saan ang daan pabalik sa may front beach, ay doon namin namataan si Dennis, nakaupo sa isang bench, habang katabi ang isang babae

Revenge of a GangsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon