Chapter 4: Crappy reunion

129 5 0
                                    

Nakaupo sa lamesang mayroong 12 na upuan ay tahimik lamang akong nilalaro ang baso ko. Naguusap ang lahat habang tinatawanan nila ang mga nagawa nila noong highschool na talagang worth the memories samantala ako ay para nang maliligo sa pawis

Ang init naman dito tsk.

Sa harapan ng upuan ko nakaupo si Kyle at kasama nya kanina si Dennis na pumasok sa hall.

I think Dennis finished civil engineering and now striving his best to be a well known engineer? Also after studying engineering, I think he took a two year course to support their branches of bars as their main family business?

As for Kyle? I don't know anything about him.

Bawat usap namin ng mga kaibigan ko ay wala ni isa sa kanilang bumabanggit sa kanya. Para na rin siguro sa ikabubuti ko? At baka nga ikakasal na sya mayat maya, sa ika bubuti na nya rin at sa mapapangasawa nya

"Sapphire!"

"H-Ha?"

Kaagad akong napatingala sa kanila nang biglang marinig ang boses ni Glizz sa tabi kong nanggugulat pa. Lahat sila ngayon ay nakatuon sa akin ang atensyon at para naman akong nasa hot seat

"Diba?"

Lumibot ang paningin ko nang sambitin iyon ni Glizz dahil hindi ko naman alam ang pinaguusapan nila. I was too preoccupied.

"Anong diba?"

Inosente ko ritong tanong at tumawa nalang silang lahat. Did I just said something wrong?

Nagtataka ko silang lahat na tinignan ngunit wala namang sumagot sa akin. Bigla naipatong ni Yanna ang kamay nya sa balikat ko kaya napalingon ako rito ng may nagtatakang ekspresyon samantala sya ay tawang-tawa

"Bakit?"

Tanong ko pa rito pero hindi sya makasagot kakatawa. Ok this is so irritating

"She said you traveled the world but never introduced a guy to her as your boyfriend"

Nagtama ang paningin namin ni Kyle nang sya ang sumagot sa tanong ko. Binalot ng katahimikan ang table namin at nararamdaman ko ang pagiging awkward ng hangin

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito at sa halip ay nakipag titigan sa kanya ng ilang segundo hanggang sa natakaw ni Nicko ang atensyon ko nang tumikhim ito

Ipinasilay ko ang isang ngiti sa aking labi saka tumayo na ikinagulat naman nilang lahat

"I'm sorry I haven't found any one worth liking"

Sabi ko sa kanilang lahat at itinigil kay Kyle ang aking mga mata, sa kanya mismo pinapahiwatig ang mga salita ko

"I'll get going now. Good night"

Sabi ko saka sana tatalikod nang marinig ang boses ni Jhanin na nagtanong.

"Sapphire are you leaving the country after tonight?"

Bahagya akong natigilan at napaisip. I like to stay, the truth that is, but I can't stand sitting on the same table with him.

Napakawala na lamang ako ng isang buntong hininga saka bumaling sa kanya at ngumiti ulit.

"Yes, sorry. I would like to stay but I can't"

Huli kong sabi na nagpakawala sa kanila nga mga salitang nadidismaya saka tumalikod at maglalakad na sana paalis nang pigilan ni Glizz ang kamay ko. Tinignan ko ang kanyang palad na nakahawak sa palapulsuhan ko bago tumitig sa kanyang mga mata

"Going already? We never saw you after six years and you're just gonna leave? We didn't even had the time to chat 'cause your so silent all this time! Pourquoi tu comme ça? Quel est votre problème?!" -in french

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon