Chapter 5: Stuck

139 3 0
                                    

*knock knock*

"Can I come in?"

Rinig kong boses ni mommy mula sa labas ng kwarto ko. Tinatamad akong sumagot kaya hindi ko nalang sya inimik. Maya't maya pa ay bumukas ito at niluwa naman noon ang nanay kong puno ng pagaalala ang ekspresyon sa mukha

Itinaas ko ang kilay ko sa mukha nya dahil mukha itong nawalan ng isang bilyong kontrata kani-kanina lang

"Why? Is there a problem?"

Tanong ko rito nang umupo sya sa gilid ng kama ko.

"You didn't come down for dinner last night, you went home early did you even eat? Also, hindi mo rin nagalaw ang breakfast na dinala ko kanina. Your dad and I are worried. Anong nangyari sa reunion ninyo kagabi?"

Sunod sunod ang tanong niya sa akin pero ni isa doon ay wala akong masagot, lalo na ang huli nyang tanong. Ano ngaba ang nangyari kagabi? Why did it turned out to be like that? How miserable tsk

Lumipas ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitan namin ay napakawala ito ng isang buntong hininga kaya napalingon ako sa kanya

"Sit down"

Utos nito saka hinila ang dalawa kong kamay upang paupuin ako sa kama ko. Nagtaka ako roon kaya naman nakataas ang kilay kong pinagmamasdan ang mukha nyang puno ng pagaalala

"I understand if you're not ready to tell me what's on your mind. I am your mother and I know if there's something going on with your thought's. Pero mamayang gabi na ang flight mo papuntang Australia. You've only been here for like three days? And your presence was so short for your friends to see. Hindi mo manlang ba sila sasamahan kahit sa ilang oras mong pagstay dito? You miss them right?"

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha sa sinabi ni mommy at agad na napayakap sa kanya. Naramdaman ko nalang na parang may punyal na sumaksak sa puso ko at ang sakit sakit nito ngayon

Yes I miss them definitely, but what the hell is stoping me from being with them? Kyle? How I'm still stuck up to him while he's all fine seeing me after all these years?

"Shh"

Hinagod nya ang likod ko habang umiiyak ako ng tahimik sa balikat nya. Mommy's comfort that I never experienced after many years

I've always been independent with my feelings and now I feel so much better being comforted by her

"I called your friends over. Spend the afternoon with them before you go"

"Ma!"

Kumalas ako sa yakap ni mommy nang sabihin nya iyon sa akin. Bakit nya ginawa yun? Mamaya baka kasama pa ang mga lalaki naming kaibigan and I'll end up walking out again!

"Bakit mo ginawa yun!"

Para akong batang nagmamaktol sa kanya kaya natawa naman sya. Bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya nanuyo ang luha ko nang makita sila

"Hoy!"

"Ayaw mo na ba kaming makasama?!"

"Aminin mo nga, may bago ka na bang mga kaibigan na pinalit samin sa pagtatravel all over the world mo!?"

Biglang rumaragasang pumasok sina Hailee, Yanna, at Glizz sa kwarto ko sabay sigaw sa akin ng pagka lakas lakas na pareho pa silang nakapamewang lahat at ang sasama ng tingin sa akin

Nagpout ako kay mommy, pinapakita ang pinakamalungkot kong mga mata, sinasabing huwag nya akong hayaang tangayin nila dahil mapupuno ng singhal ang tenga ko

Natawa nalang sya sa akin habang umiiling iling pa at tumayo.

"Girls, I'll leave her to you"

Sabi nito sa kanila at saka kumindat pa. Ngumiti naman silang tatlo sa kanya at nagsitango. And what the hell was the meaning of that?? May binabalak ba silang masama sakin?

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon