Apat na araw.
Apat na araw na rin ang nakalipas simula noong makausap ko ulit sina Blake at Kim. Pagkatapos noon ay wala pa naman akong nararamdamang kakaiba sa paligid ko o ng mga kaibigan ko
Maliban nga lang 'kay Micko. Simula noong sinabi niya sa amin ang plano niya ay mas lalong nawawalan ito ng oras para kay Yanna
That surprise is hell a lot of work, so he will definitely need a lot of time to prepare it.
Si Yanna naman ay mukhang walang nahahalata patungkol sa binabalak ng nobyo niya, maliban lang sa selos na nararamdaman nito. Minsan nasosobrahan sa pag-iisip at naaabot sa konlkusyong, baka may ibang pamilya nang binubuhay ng patago si Micko ng hindi niya alam.
Talk about being paraoid. Geez.
Kami na lamang ay sinusundan na lang siya sa kapraningan niya at nagiging maingat na hindi mabanggit dito ang proposal ni Micko
Minsan ang sarap nalang rin isampal sa pagmumukha niya ang pagmamahal sa kaniya ni Micko para hindi na siya putak ng putak kung gaano katagal na silang magnobyo
Like, I know I'm damn single! No need to rub it in!? Tsk.
Pero ang pangyayaring iyon sa Boracay na mag-iisang buwan na ang nakalipas, ay hindi parin mawala sa isip ko. Matagal na ang babalang iyon at hanggang ngayon, hindi parin sila nagpaparamdam ulit. Mas lalo lamang nagpapakaba sa 'kin ang katahimikan na ito
Hindi rin naman ako pupwedeng maghintay na lamang na may saktan na sila sa amin bago kumilos. Kaya naman napagpasyahan 'kong dalawin ang isang dating katrabaho
Si Tita Leila.
Hindi ako sigurado kung matutulungan nga niya ako o kung kaya niya ba akong bigyan ng kahit kaunting impormasyon lamang na makatutulong sa sitwasyon namin ngayon pero dadalawin ko pa rin ito
Afterall, aside from being the mother of my past lover, she's also like a friend to me.
Tinanong ko sina Farrah at Blaze kung may alam ba sila kung saan ang headquarters ng firm niya ngayon at malapit lang raw ito sa lumang underground arena, kung saan ginaganap ang mga gang fights noon
Hindi madali ang pagpapapasok sa akin doon dahil talaga namang strikto ang security nila ngunit ang lumang identification card ni Farrah ay maaaring pupwedeng makatulong kung saka-sakaling gumana parin ito
I'll take a bet on that. Kesa naman wala akong gawin.
Kaya naman pagkatapos ng trabaho ko ay kaagad akong umuwi upang makapag bihis at dumiretso sa lokasyong sinabi nila.
Madali lang naman mapansin ang building lalo na at napakalaki nito at pabilog pa ang hugis. Kung titignan mula sa labas ay mukha itong green house na hugis protactor
If you're an outsider, you'll probably think they breed butterflies and exotic plants in there.
Ang mataas na bakurang nakapalibot dito ay talaga namang nakakatakot dahil mukha siyang 12 feet ang taas at kulay itim. Kung ang pader na ito naman ang pagmamasdan ay aakalain mong papasok ka sa isang central intelligence headquarters.
Ang gate nito ay gawa sa lasered beams na parang isang sentimetro ang agwat ng bawat linya
Even a fly, who's happened to just pass by, can trigger those beams. Just how strict and rich this firm can be?
Umiling na lamang ako sa sarili at nagpokus sa totoong ipinunta ko rito. Nakapark lamang sa hindi malayo ang aking motor kaya hindi naman siguro nila paghihinalaan iyon di'ba?
Mayroong isang scanner na biglang sumulpot sa gilid ng pader nang tumapat ako sa harapan ng gate. Hindi ako sigurado kung mapapahamak ba ako sa gagawin kong ito pero, it's worth the risk I guess?
BINABASA MO ANG
Revenge of a Gangster
Художественная проза[COMPLETED] Book II Ang buhay nya ay naging maayos pagkatapos mahiwalay sa mga kaibigan, pero sa sapilitan nyang pagbalik, ano kaya ang mangyayari? Ang akala nya ay natapos na ang lahat at binaon na sa nakaraan ang mga pangyayaring naganap, pero bak...