Chapter 37: Responsibility

50 5 1
                                    

"Yeah! I'll go change" I respond.

Iniwan ko si Sky sa harapan ng opisina ni daddy at naglakad patungo sa kwarto ko, siyang nasa kabilang direksyon ng opisina. Mula sa kompanya ay binigyan ako ni Sky ng masasakyan pauwi rito sa bahay dahil patungo rin siya rito

Paminsan minsan ay bumibisita siya sa bahay kung may kukuning dokumento sa opisina ni dad.

Hindi ko namamalayang isang buwan nanaman ang lumipas simula noon. Matagal-tagal nanaman ang nilipas ng oras pagkatapos nilang mag paramdam. Sa puntong ito ay hindi ko kayang mahulaan ang mga susunod nilang galaw

Nakakapag taka lamang na ang ibang naka sama namin mula sa trip na iyon ay hindi nakaka tanggap ng anumang banta. Iniisip ko tuloy kung para ba sa aming lahat iyon... o para lamang sa akin?

Kung tama nga ang hinala ko ay maaaring nadamay lamang ang mga kaibigan ko sa gabing iyon. To think of that, mas mabuti nga iyon dahil kahit ganito ang sitwasyon ko ay alam ko namang hindi sila ang pupunteryahin ng may habol sa akin

"Shit..."

Natigil ako sa paglalakad at napa sandal sa pader. Eto nanaman ang pakiramdam na ito. Parang babaliktad ang sikmura ko...

"Tsk." usal ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad, hawak-hawak ang aking tiyan.

Sa nakalipas na isang buwan ay paminsan minsan kong nararamdaman ang pagbabaliktad ng sikmura ko ngunit hindi ko iyon inintindi dahil baka dala lamang ng pag-iinom ko

Sobrang busy ako sa trabaho at wala nang oras para sa ano pang bagay, kaya naman kapag umaaya ang mga kaibigan kong uminom sa isang bar ay talaga namang hindi ako tumatanggi. Para lamang makapag alis ng pagod at deretso na ang tulog ko sa buong gabi

Sa buong buwan na iyon ay halos dalawa o isang gabi kaming uminom bawat linggo. Hindi naman ako umiinom ng malalakas na alak dahil bawal akong ma-hang over sapagkat may trabaho ako kina umagahan. Ang tinutungga ko lamang ay tama lang para makatulog ako

Pero kahit na ganon ay nararamdaman ko parin ang pagbabaliktad ng sikmura ko. I should probably stop drinking for a while--

"Fvck--"

Patakbo akong pumasok sa aking kwarto, nakatakip ang palad sa aking bibig. Kaagad akong dumiretso sa cr at doon sumuka sa sink.

"Fucking b*tch!" ang mura ko pagkakita sa aking sarili sa salamin.

I looked fucked up. I really should stop drinking damn it! Kagabi kasi ay uminom nanaman kami at talaga namang hindi ako nagpigil sapagkat hindi ganon karami ang gawain ko ngayong araw kasi tinapos ko na noong nakaraan

Hindi ako nagka hang-over kaninang umaga kaya baka ngayon lamang lumalabas ang naidulot ng alak sa akin. Miminsan ay ganon talaga ako, nahuhuli ang hang-over ng ilang oras o ilang araw bago lumabas

Geez. This body is weird. May pupuntahan pa naman ako ngayon, tsk.

Dahil nga sa pagiging busy ko ay halos mawalan na ako ng oras doon sa matampuhin kong nobyo. Kaya ngayon ay magdidinner dapat kami

Tinitigan ko ng maigi ang aking sarili sa salamin at gusto ko itong irapan.

"Gosh! So this is the life of an unsingle person." saad ko. "How troublesome" dagdag ko pa at tumayo ng diretso.

Pagkatapos kong maisuka ang laway ko ay idinaan ko na lamang sa isang maligam-gam na ligo ang aking pagod. Pagkatapos non ay nagbihis ako ng maayos na damit at inayos ang aking sarili

Pero kahit ano namang mukha ko ay paniguradong haharutin lang ako ng sira ulong iyon.

Lumabas ako ng aking kwarto na naka-ayos at dumiretso sa opisina ni daddy, nagbabaka sakaling nandoon pa si Sky. At mukha nga

Revenge of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon